Isa talaga siya nagpauso ng "Poy", bilang tanging tawag maging sa loob ng pamantasan. Tsk tsk. Dapat sa bahay lang yon eh. Pero, sa katagalan ng panahon, nasanay na rin ako.
Alam niya. Alam ko. May pagkakahawig ang ugali namin. Lalo na sa mga espisipikong bagay na aming kinaiinisan. Sa mga attitudes. Sa mga batang pag-iisip. Although, kahit naman kami rin nagiging ganon, paminsan-minsan.
Napalapit agad ako sa kanya sa iilang tagpo. O, pinaglapit kami ng iilang tagpo para maging magkalapit. Hindi ko makakalimutan ang paglalakad namin sa kahabaan ng Taft papauntang UN. Dito napag-usapan namin ang napakaraming bagay, mula sa mabababaw hanggang sa malalalim. Siya ang naging kausap ko sa mga seryosong usapin -- sa pagkakadapa ko sa Econ, sa muling pagbangon at muling pagsisimula. Sa kanya ko nakita, ang ilang ugaling hindi ko pala dapat pang pinahihintulutan, at dahil dito nag-grow ako. May pagka-temperemental siya, pero liban dito, pinakamasarap at hindi matatawaran kapagkaming dalawa na ang nagtatawanan. Halakhak talaga, na parang wala nang bukas.
Sa isang iglap, alam kong makakasundo ko ang kaaibigan kong ito. Hindi dahil sa anupaman, kundi dahil sa ugali. Ugaling sakto. Ugaling hindi lumalampas sa pamantayan ng kapwa niya tao. Yung tipong maiinis kung naiinis. Magagalit kung magagalit. At kakamutin kung makati.
Sa kanya ko naliwanagan ang term na "mood swings". Well, mayroon din ako nito. Kaya kapag pareho na kaming nagmood swing, kailangan ng tumahimik ng lahat. Hindi, joke lang. Naging ganon nga, ka-mood swing ko siya.
Hindi lang kami magkaibigan, magkaklase rin kami. Magkaagapay sa mga pangangailangan at sa kung ano ang hinihingi ng pagkakataon. Kapag kami ang magkasama, hindi hihinto ang solusyon, kasi maabilidad siya.
Marami pa kaming pagsasamahan. Pero, alam kong sa mga ito, isa siya sa mga kaibigang panghabambuhay. Kahit pa maghiwahiwalay na kami ng landas.
Yung mga ngiting iyon, ang hindi ko malilimutan.
Buong araw sa iskul, magkasama kami. Magkakwentuhan. Magkakulitan.
Kaya lang may instance talaga na hindi ako nakakasama, lalo na pag nagyaya siya sa kanila upang kumain ng pinagmamalaki niyang putahe ni ina -- ang baked mac.
Isa pang term, yun ang last resort, diba Ces? Hahahaha. ^-^
2 comments:
In-love ba si Yfur? Hahaha!
Hindi kaya...iskets niya yan eh.. hehe.. happy new year!^_6
Post a Comment