Thursday, March 20, 2008

Simbang Palaspas. Simbang Pulitika.

Hindi ko akalaing aabot na hanggang sa Simbahan ang kasalukuyang isyu ng pamahalaan.
Maging ang tradisyunal na pagbabasbas ng palaspas ay nalambugan na ng kulay-pulitika.

Sa pagsasama-sama ng mga Katolikong Pilipino sa panahon ng kwaresma, hindi na naiwasan ng Simbahan na banggitin ang sentimyento nito ukol sa napapanahong isyu na sa tingin nila ay may aspetong moral.

Isang pastoral statement ang binasa ng kaparian sa harap ng hindi magkamayaw na tao -- na sa puntong iyon ang tanging layunin ay mabasbasan ang palaspas, wala ng iba.
Napakahaba, at hindi man pinangalanan ay direktang tumutuligsa sa administrasyon ni Gloria Arroyo. Wala na nga ang sermon ng pari.

Ang pastoral statement bilang panghalili sa sermon ng pari, bahagi kaya ito ng moral revolution?

Sadya kayang hinihintay lamang ng mga tao ang galaw ng simbahan bago kumilos o hinihintay ng Simbahan ang mga taong mapuno bago magsagawa ng hakbang?

Sa sobrang haba ng pampulitikang kontekstong bumalot sa simbahan, wala nang nakikinig sa misang tradisyunal na nakalaan sa mga pinagkubling dahong pantaboy sa masamang elemento.
Nagmamatiyag lamang.

2 comments:

Anonymous said...

The Filipino people are just waiting for the church, I say. This becomes part of their moral obligation to the country and definitely not a violation of Article 2, Section 6 of the Philippine constitution.

P O R S C H E said...

I agree with you. The Church has always been a potent factor to drive people towards something relevant, in this light, a political issue.