Ginising ako ng malakas na sigaw sa baba, malapit sa biranda ng pinto
Ang akala kong nanay na may dala sa bagay na iyon
ay hindi ko mang lang nakita, kahit saglit lang,
Doon ko nakita ang sisidlan, na hindi ko mawari kung ano ang laman.
Nangangamba akong puntahan ang basket na iyon,
Na gawa sa abaka, banig o ratan?
May kapirasong telang nakaladlad,
Iyon lang ang tanging nakikita
Iyon lang at wala ng iba pa,
Kasabay ng hanging nagdaan,
Sa nag-aagaw na dilim at liwanag.
Nangangamba akong may nagmamay-ari ng bagay na iyon.
Hindi ko nilalapitan kahit nalulumbay na ako,
Baka kako naiwan, baka kako sa kapit-bahay lang,
Nang hanggang lumipas na ang sampung minuto,
Para bang kay haba na ng pinag-antay ko.
Sa paglapit ko sa bagay na iyon,
Hindi puto, hindi kutsinta,
Hindi balot, hindi anumang kakanin,
Hindi bagay, hindi hayop,
Kundi isang bagong imahe ng buhay.
Nakapikit, nahihimbing...

4 comments:
Another literary piece... I guess. Totoo ba to?
Para sa lahat:
Ang driving force ko ay ang aking pinsang si "Maw". Ngunit ang aking pagkakalahad ay isang paraan lamang.
Post a Comment