Tuesday, December 23, 2008

Simbang Gabi. Simbang Pop.

Ang pagiging Katoliko? Pana-panahon.

Katoliko.

Ang Misa de Gallo ay bahagi na ng buhay Katoliko o ng mas nakararaming Pilipino sa bansa. Dulot ng pagbabago sa lipunan at ang mabilis na pagpasok ng diwang hindi sa atin, nagkaroon nang ganap na ebolusyon mula sa tradisyunal patungo sa makabagong pamamaraan ng pagdalo sa Simbang Gabi o ang nakagawiang siyam na misa mula Disyembre 16.
  • Ang dati rating alas-kwatrong misa sa umaga, ngayo'y may anticipated mass na. Ito yung pang alas-otso ng gabi na magsisimula sa ika-15 ng Disyembre.
  • Hindi malayong isipan ngunit tila nagiging maka-simbahan o banal lamang ang gawi ng iilan sa tuwing may tawag ng pangangailangan -- yung tipong makapasa sana sa graded exams, makahabol sa pag-akayat ng barko, maipasa ang licensure exam, bar exams at iba pang para sa mga Katoliko ay nangangailangan ng divine intervention. Bagaman, hindi ko nilalahat. Tayo ay saksi sa mga ito.
  • Huwad? Sinasabing ang misa ay panata at sakripisyo. Ngunit marami ang minamadali ang samba. Maraming nagmamadali upang maabutan ang paboritong telenobela (para sa anticipated mass). Maraming nagmamadali upang makabalik sa kama, o di naman kaya'y sa lakwatsa. Pilit na minamadali ang kung tutuusi'y isang oras para sa 24 na oras na buhay, na patuloy na ibinibigay sa atin. Komitments?, sabi ng iilan. Bahagian natin ng isang oras ang ang isa sa pitong dimensyong bumubuo sa ating pagkatao -- ang ispiritwal na dimensyon.
  • Pumapasok lang ng Simbahan para masabing nagsimbang gabi siya? Nakumpleto niya? O kaya naman para makapag-wish lang? Simpleng tagpuan ng mga magkakabarkada bago ang lakwatsahan?
Naipapako natin ang ating sarili upang mag-alay ng bahagi ng ating sarili bilang isang dedikasyon. Tulad nga ng pagsisimba o pagkumpleto sa siyam na misa.
  • "Look your best, always." Hindi naman ako tumatanggi dito -- dahil nararapat lamang na maging presentable tayo sa pagharap at pagpasok sa ating Simbahan. Ngunit, nais ko lamang ipunto na ang Misa de Gallo ay hindi katumbas ng porma lamang. Ang ibang kabataan mas inaatupag pa ang susuuting damit para sa mga susunod na gabi kaysa sa pagbatid sa tunay na diwa ng dinadaluhang misa. Nariyan ang magagarang damit -- Bench, Penshoppe, Human, at iba. 'Yung iba nga, palakihan pa ng font para sa tatak. Naging magarbo ang pananamit ng iilan. Walang masama. Ang hindi lamang katanggap-tanggap ay ang hindi pagseryoso sa esensya ng misa, ang malabnaw na pagtanggap sa konsepto nito. Para bang simbang gabi at eksibit ng mga brand names.
  • Nagiging parke pa ang simbahan ng mga magkasintahan. Para bang Simbang Gabi at ang PDA (Public Display of Affection) ng mga nag-iibigan at bale wala na ang misa.
Ano nga kaya ang problema? Ang relihiyon ba: dahil sa pagsilang pa lamang natin, hindi tayo binigyan ng pagkakataon upang mamimili bagkus ay ipinayakap na lamang ito sa atin ng ating mga magulang (na Katoliko)?

May epekto ba ang colonial experience o ang tao mismo?

*Kahit ako, hindi ko nakumpleto. Hindi ko naumpisahan.
______________________
TWELVE (BAD) DAYS OF CHRISTMAS by Professional Heckler (here)

2 comments:

Anonymous said...

Maligayang Pasko kaibigan!

P O R S C H E said...

MERRY CHRISTMAS SA LAHAT!!!!