Pampatigas, Pampatayo, Atbp.
Mayroon akong alam na nagpapatigas, nagpapatayo at marami pang iba. Sa dami nito, mamimili ka ng klase. May mild lang kung tigasin ka. May strong kung talagang bagsak. May soft kung gusto mo lang ng basang ilusyon. Mayroon din naman yung pakiramdam tuwing umaga! 'Yung tipong kagigising lang!
Pero, pinapatigas mo ba? Pinapatayo? Tumatayo ba naman?
Boring naman kasi kung hindi mo iibahin ang istilong yan. Kahit paminsan minsan, dapat sigurong iayon natin sa suot ang timplang ito. Hindi ka naman siguro ikinulong ng anim na talampakan sa lupa para hindi mo makita ang naglalakihang billboards sa kalsada ng mga pinakaabalang bahagi ng lungsod.
Hindi ka ba napapaisip? Nainsekyur? Kahit pa alam nating na-photoshop na ang mga yan, hindi maiiwasan ang mga katagang, "buti pa siya", "sana ako rin" o "ang pangit kaya!"; "grabe ang ganda/gwapo niya" at "sana maging katulad ko siya!"
...At dudugtungan ng mga katagang:
"Kaya mga p're, ugaliing basahin ang label at hanapin ang "zero-alcohol" tags.
...At dudugtungan ng mga katagang:
"Kaya mga p're, ugaliing basahin ang label at hanapin ang "zero-alcohol" tags.
Pili na ng swak sa iyo! At hanapin ang style and hold na bagay sa'yo sa pagbili mo ng hair gel, hair wax at kahit ano pang hair reinforcer!"- (sabay bandera ng tatak ng produkto at ang catchphrase nito)
Sa pagpasok ng ideyang mula sa Kanluran, nagbago na ang packaging at anyo ng produktong ito. Hindi na rin biro ang halaga nito sa merkado. At, napakaraming stall sa mall ang nagbebenta nito -- Bench, Human, Penshoppe at marami pang iba.
_____________
*Ang mga pilyong patalastas sa Pilipinas ay gumagamit ng humor-Pinoy, na may halong humor-Kanluranin; katulad ni Bob Ong sa kanyang mga panulat, ito ay isang paraan upang maitawid ang mensahe gamit ang kiliti ng mga Pilipino -- upang maging mabenta, patok at gawing "usal-tahanan" ang mga linyang ito. Sa storyline hinihiling na makita ng isang karaniwang Pilipino ang repleksyon ng kanyang sarili o ng kanyang kapwa sa patalastas - at ganitong uri ng panghihimok ay napatunayan nang epektibo sa Filipino mainstream television.
*Sa journalism, ang paggamit ng ganitong iskema ay sa pagsulat ng lathalain o feature writing. At ito ay mabibilang sa isang uri na kung tawagin ay "novelty feature writing." Ang hamon dito ay mapanatili ang interekasyon ng babasa sa artikulo hanggang sa matapos ito -- suspended interest style. Sa kabilang banda, ito rin ay nararapat makatotohanan o halaw sa tunay na kaganapan kundi man posibleng mangyari sa totoong buhay.
HAPPY NEW YEAR! Cheers.
6 comments:
ooh. i see. that's what you call it in features. so it goes to show that ads follow the same yun nga lang pabroadcast hindi pasulat. yes, yes!
Hahaha.. funny hair gel!
naughty hair gel! haha
to hydee lopez:
yes. you're right. :D
to pinoy tektek:
oo, ganun talaga.. haha. pilyo nga e.
hahaha. funny!
hahaha. ang utak ko poy kung san san na napunta. WAHAHA! :D
Hahaha. nasan na nga ba napunta?? haha.:D
Post a Comment