Bunga ng hindi maiiwasang interaksyon sa iba't ibang elemento (mga guro, sa Pamantasan, sa labas ng Pamantasan, nakakapanayam) maaring mabigyang-daan ang pagkamulat. Walang duda na malaki ang maitutulong ng kursong nakaugat sa panghihimay ng mga pangunahing isyu ng mamamayan. Kasabay nito, ay ang masusing pangangalap ng impormasyon upang mailatag ang depinitibo at matatag alternatibo sa umiiral na sistema. Sapagkat iisa lamang ang linyang kinakikitaan ng mapagpalaya, tunay at walang bahid na pansariling interes, mas malawak ang tendensiyang maging kaiisa kaysa kaaway.
Sa pagiging estudyante, nabutas ang oryentasyong umusbong sa uring panggitna. Nabigyan ng pagkakataong makita ang obhetibong kondisyon ng nakararami. Samakatuwid, mapanghamig ang kursong kinapalooban. Binubuksan ang isipan sa materyal na kalagayang panlipunan na mag-uudyok upang patuloy na maunawaan at matutunang labanan ang mas mapapanganib na pwersa at porma ng pang-aabuso.
Kung matagumpay man ang isang mag-aaral na malaman ang iba't ibang anggulo ng lipunan, isang kabalintunaan ang isiping hindi siya miyembro ng pinaniniwalaang paksyon. Anu-ano pa nga ba ang mga kulang na elemento? Sa direksyong ito, hindi lutang ang posibleng patunguhan. Sa direksyong ito, marami sana ang maaring batis ng kaanib na lakas.
Sa libangan at kinawilihang ito, hindi maiwasang maitanong ko ang mga bagay na hindi pala akmang sagutin sapagkat (1) wala akong pormal na pagmimiyembro (2) kaugnay ng una, para sa seguridad/proteksyon ng alyansa at (3) iba pang mas makabuluhan at malalim na dahilan. Sa kabilang banda, sapagkat wala namang absoluto, unti-unti na ring natutukoy ang mga nagiging kahinaan at pangunahin dito ay ang mabuway na resulta ng panghahamig dulot ng baryasyon sa katangiang pandemograpiko ng estudyanteng pinatutungkulan. Bilang aksyon, ang kahinaang ito ay walang patid na tinutugunan ng mga nauna at bagong hukbo ng mga aktibista.

Kung sakali mang masinop na naimpok sa isipan ang katotohanan, masasabing ang pagkilos na lamang ang nalalabing kontradiksyon. Kung gayon, "konsensya" na ang maaring maging makina upang pakilusin ang potensyal na kasama.
Sa kabuuang pag-aaral ng Pag-unlad, naging isang karaniwang tanawin ang makasalamuha ang iba't ibang personalidad na nanindigan at kinilala bilang boses ng sektor na kanilang ipinaglalaban. Kung gayon, hindi malayong humanga sa mga konkretong layunin ng mga ito.
Sa dalawang ito, alin ang makapagdadala ng ritmo upang kumilos:
konsensya o paghanga?
konsensya o paghanga?
Kung ikokonsidera ang mga nabanggit na sitwasyon, sa dalawang ito na nga lang ba iikot ang mga pagpipilian? Ano pa ang dahilan kung bakit tila hindi naaabot ang simpatya ng kalakhan?
2 comments:
Hindi madali. Hindi madaling magdesisyon. Kailanman hindi naging madali ang magdesisyon.
If eve that these are the given options:i think the conscience will rule.
my dad is a former activist before he continued his career in Canada. hindi lang ako sure kung ano siya dun sa sinasabi mong "kaaway".
- Anne, OrComm
PS. I think it's much okay if you will turn your Open ID on. kasi ako wala akong blog,so I have to place myself as an anonymous pa when i want to say something. :( lol. thnks.
Post a Comment