Saturday, August 01, 2009

MLE*


Alin ang mas matimbang,

ang wika ng makapangyarihan?

O ang kapangyarihan ng wika?


Kaysa mangapa sa salimbibig ng banyaga,
Unahing alamin ang sariling "titik" at "letra."
Nanaising gamitin ng sinuman ang kanyang lingua franca bago ang ibang salita.



Sa susunod na ang A-B-C (ey-bi-si) at uunahin ang A-B-K-D (a-ba-ka-da).
Sa susunod na ang A-B-K-D at uunahin ang dayalekto nila.

Kung yayakapin ang kanilang wika,
hindi madaling umugnay sa kanilang salita.
Mas madaling matutunan ang wikang banyaga,
kung mauunang suriin ang iyong salita.
Mas madaling isulat ang salin nila,
kung kilala mong lubos ang iyong lingua franca.
Mas mabilis tumimo ang leksyon,
kung sa ating salita nakakonteksto ang takda.

Unawain muna ang sarili bago maunawaan ang iba.

*Mother Tongue-Based Multilingual Education
_______________
Tingnan:
http://mothertongue-based.blogspot.com/
Department of Education (DepEd) Order No. 74, Series of 2009: MLE

Larawan kuha ni Lenerwin Onanad. Apat Dapat. 2009.

In the news, Former President Corazon Aquino dies at 76.

No comments: