Monday, August 20, 2007

Pana - Panahon Nga!

Hindi ko maiwasang gumamit ng aking sariling wika sa mga bagay na may kinalaman sa aking relihiyon. Hindi ko maiwasang sumandal sa tunay na wikang kinagisnan at nasisiguro kong dapat munang pagyamanin bago ang iba.

Ngunit bago ko simulan ang ilang salitang aking isusulat bago dumalas ang tinta ng bolpen. Narito ang isang talinhaga mula sa isa sa mga hinahangaan kong personalidad, gamit ang pluma.

“A life which is not dedicated to a great ideal is useless. It is a pebble lost in the field without forming part of an edifice.” Isang paninindigan ang pagkakaroon ng ganitong pilosopiya. Dakila ang mga talinhagang nakapagbibigay ng tunay na larawan ng totoong buhay. Pili lamang ang mga ito, hindi nangangailangan ng malalim na salita.

Ang buhay na hindi iniaalay sa isang dakilang hangarin ay walang saysay. Tila isang batong limitado lamang sa sarili nitong uri.

Kasabay ng mga nabunot ng dahon na napaglipasan ng anyo, gayundin ang alikabok na siyang tanda ng kalunsuran, ang nakabibinging ingay ng mga tsuper at ang senaryong nag-aagaw liwanag at dilim, nanatili ang pagiging isang aktibong Katoliko. Sa kabila ng iisang daan na aking tinatahak, hindi pa rin napuputol ang aking hangaring kalapin ang mga kuwentong mula sa maliliit na buhay.

Narating ko ang simbahan. Napansin kong gayon pa rin ang pagiging Katoliko. Pana-panahon.

No comments: