- Minsan, nakakainis na ring manood ng telebisyon. Puro sagutan, pasaringan na lamang ang paulit-ulit na makikita partikular na sa dalawang higanteng network sa isyu ng ratings manipulation.
- Ang awayan sa ratings ng mga networks, ay isang manipestasyon na buhay pa nga ang network industry sa Pilipinas. At pinapatunyan lamang na ang Pilipinas ay isang television country -- ibig sabihin hilig nating manood ng TV!
- Lahat bago -- lahat nagpapasiklaban sa kung anong bagong maihahain sa publiko sa pamamagitan ng kanilang Primetimebida at Telebabad. Mapapansin ang "variety o chopseuy strategy" ng parehong network -- may pantasya, may solid drama, may game show, may balita at iba pa.
- Si Angelique Lazo ang dating tagapaghatid ng showbiz news sa TV Patrol, na ginagampanan na ngayon ni Phoem Barranda.
- Baluyot pala ang middle name ng batikang news anchor/radio broadcaster/tv host na si Korina Sanchez.
- Si Teodoro Valencia at Ka Doroy ay iisa lang. Sa kanya ipinangalan ang isa sa pinakamataas na parangal na pinapangarap ng lahat ng mamamahayag, ang Ka Doroy Broadcaster of the Year. Sina Tina Monzon Palma at Angelo Castro ang nagkamit ng parangal na ito sa nakalipas na dalawang taon.
- 55 years na ang ABS-CBN 2. Mas matanda pala ang GMA7. At ayon sa pag-aaral ng Business Management, ang dalawang ito ay pawang young companies pa din. Dahil ang mature company ay nasa 100 taon pataas.
- Nanatili pa rin ang Eat Bulaga! bilang longest-running TV program sa Pilipinas. Una itong lumabas sa RPN9.
- Tapos ng Kapamilya Deal or No Deal, susubukin naman ang mga Pilipino ng Wheel of Fortune. Parehong tagapagdaloy.
- Sa palagay ko, dapat pa ring magkaroon ng grand debate ang mga nais tumakbo ng pagkapangulo sa 2010. Kahit papaano, mabibigyan nito ng ideya ang mga Pilipino kung sino ang nararapat sa kanilang balota (kung manual pa din tayo sa 2010).
- Buti naman, nabawasan na ang mga balita ng pagpapakamatay ng mga bata nitong nagdaang buwan. Matatandaang remarkable ang pagpapakamatay ni Amper. Sa tingin ko may pananagutan din ang media, pero, hindi dapat ibunton ang buong sisi sa naturang sektor.
- Magaling na manunulat si Bob Ong lalo na 'pag novelty style ang ginagamit. Sa humor niya kinikuha ang kabuluhan, esensya at tono ng kuwento. Hindi nauubusan nito, kaya naman patuloy siyang lumilikha ng mga kathang katulad ng mga binabasa natin ngayon. Observation, then write. Iyan ang nagbibigay kulay sa mga libro niya. Repleksyon ng kung sino na nga ba ang mga Pilipino ngayon, paano na tayo mag-isip, at paano tayo mapapatawa. Bagaman isang eskapismo, kahit papaano nakakatanggal din ng kunot sa noo ang layaw ng pagsulat niya.
Saturday, January 12, 2008
Hit and Miss!*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
I think it's really necessary for these giant networks to establish once again their shaking reputations through their disputes on air. Investor confidence is at stake, which is undeniably invaluable to the perpetuation of the people's patronage to each of them.
You have a good argument. But come to think of it, the viewing public suffers.
I agree. I, myself, hate it whenever they air their never-ending arguments.
Post a Comment