Wednesday, January 23, 2008

There's Too Much to Talk About*

Dahil sa napakaraming pwedeng maisulat, maraming nagkalat na pira-pirasong pangungusap, parirala at salita...pagbuklurin natin sila. Mababaw man o malalim, pinag-isipan din. There's too much to talk about.

TAT.
What are the real scores behind the number "three"?
Anong meron sa tatlo, sa tres?

Bakit kaya, ito ang madalas nating gamitin?

Bakit kaya nahahati sa tatlo ang Sky Flakes? Pwede namang sa dalawa lang para sa mga magkasintahan, pwedeng isang buo lang para sa iisa. Bakit hinde?

Bakit kaya nahahati sa tatlo ang antas ng pangunahing edukasyon sa lipunan: elementarya, hayskul at kolehiyo. Maliban na lang kung nangangarap ka ng iba pang mas mataas na kurso, o di naman kaya'y masteral o doktoral.
Bakit kaya nahahati ang katawan sa tatlo? Head, thorax at abdomen?
Gayon din, bakit nahahati sa tatlo ang pamahalaan? Legislative, Judiciary Executive.
Bakit sinasabing blessings come in three?
Bakit kay talong musketero? O di naman kaya'y Three Blind Mice?

Napansin ng propesor ko, bakit daw lagi ang ikatlong kontestant ng mga singing contest sa TV ang siyang laging nananalo? Dahil lahat daw ng spectacles naibuga na sa dalawang naunang kontestant. Nagkataon nga lang ba?

Bakit pag sumasaludo ang boyscout/girlscout, nakaanyo ang saludong binubuo ng tatlong daliri?
Bakit ang sign ng "pera" ay ang tatlong daliri mula sa hinliliit hanggang hinlalato?

Bakit laging top3 ang importante sa honor roll? Bakit sa deliberasyon ng botohan, importanteng lumanding ka sa first three? Buti na lang, iniba ng Big Brother, ginawang Big Four.

Bakit kaya sa ikatlo ng hapon nakatakda ang meryenda time ng mga Pinoy?

Bakit kaya "love triangle"?

Bakit kaya pag sa picture-taking, "Ready, 1, 2, (Klik)" sa ikatlong bilang?

Bakit "isa, dalawa, tatlo" ang pambilang sa mga batang nangungulit?

Bakit sa tagu-taguan, "pagbilang kong tatlo nakatago na kayo, isa... dalawa... tatlo?"

Marami pang mga katulad na tanong.
Maraming dibuho ang makapagbibigay ng katarungan sa "tatlo".

Pero, nagpapasalamat ako dahil napalitan ng 3.00 ang dating pulang 4.00 sa klaskard ko.
Ibig sabihin, naipasa ko na nga ang Math Eleven!

No comments: