While going down the stairs from a train, clusters of activists were invading almost that entire busy street. And being in the metropolitan area, busy area entails earsplitting noise coming from the engines, not to mention the blowing of horns. And mind you, it doesn’t end there; noise barrage from rally groups overwhelms everyone that shall pass through. On that note, that rally has successfully created a trembling voice and has called immediate attention before the public. For the
While utilizing my leisure time, watching the top stories, I got to hear the negative news leads matched up with video feeds showing the police and the protesters playing their “warcraft”. This has shown no difference since Arroyo assumed her presidency.
Mula sa napakaraming anomalya – IMPSA, Fertilizer, Hello Garci, political killings, Macapagal Highway, at NBN- ZTE Broadband deal, narito pa rin tayo ngayon. At, nakaupo pa rin siya. Sa patuloy na pagsalikop ng kalasag at batuta, o kahit anong armas, makikita ang patuloy paglaban ng mga militanteng nais pabagsakin sa puwesto ang Pangulo. At, mapapansing gumagapang na ito sa napakaraming sektor ng lipunan. Kahapon, sa kabataan. Kanina, sa mga manggagawa’t kababaihan. Maya-maya, sa mga pangkat-relihiyon. Ngayon, sa mga pumapasada. Noong nakaraang linggo, mapayapang naisagawa ang isang inter-faith rally. At hindi ako magtataka kung bukas, magsanib-puwersang muli ang lahat ng ito.
Ngunit, sa mga nakalipas na pag-aaklas, hindi pa rin naging matagumpay ang hangarin ng mga sektor na lumahok – may estudyante, may madre at pari, naroon siyempre ang media, ilang politikong nanamantala ng pagkakataon, mga politikong may sinseridad (daw), mga beterano ng EDSA I at pati mga isnatser nagkalat. Nananatiling malakas ang tinatawag nilang pambansang nunal.
Hindi dapat ngayon lang ang isip natin.
Sino nga ba ang tunay na papalit kung sakaling paalisin si Gloria?
Sa pagkakataon mapatalsik siya, magiging maaliwalas na kaya ang mga lansangan at malaya na sa megaphone at karatula?
Sinasabi na iba ang magiging impresyon ng pagpapatuloy pa ni Gloria sa Palasyo, kaya kagyat na ang pagtawag sa kanyang pagbaba. Hindi na dapat tapusin pa ang termino niya. Pero, sa kabila ng lahat ng ito, nanatili pa rin siya. Political survival, ika nga.
Nakasisiguro ba tayong ang papalit sa kanya ang sagot sa kahirapan ng bansa? Sasabihing hindi dama ng mga Pilipino ang pag-unlad, kahit ako. Tapos, papalitan. ‘Pag di nagustuhan ang iniluklok, papalitan muli. Hanggang sa ito na ang naging kultura ng pagbibigay posisyon.
Sino ba ang hinahanap ng mga Pilipino?
Yung tapat, makatao, makabayan, makapagbibigay ng ayuda sa kahirapan, mababayaran ang malaking utang ng bansa at lahat na ng mabubuting aspeto.
Tanong, may inaasahan ba tayong darating na katulad ng ganito? Kailan kaya? May ganyang uri ng pinuno pa kaya talaga? Tingnan natin sa mga sumusunod na manok para sa pampanguluhan ang hinahanap mo.
1. Villar, Manuel - ST - Sipag at Tiyaga. May tunay na karanasan sa buhay -palengke at pinalad na maitalaga ng tao sa Senado. Ngayong ang Pangulo nito.
2. Roxas, Mar - Mr. Palengke. Ipinaglalaban ang karapatan ng mga mamimili o konsyumer.
3. Legarda, Loren - dating mamamahayag, ngayon Senadora. Patuloy pa rin kayang naipahahayag at naipaglalaban ang mamamayan.
4. De Castro, Noli - Pangalawang pangulo ngayon, may malaking responsibilidad sa pagkakataong mapatalsik si Arroyo sa puwesto.
5. Fernando, Bayani - Count me in, aniya. Ang MMDA Chairman.
6. Lacson, Panfilo - Dating PNP Chief. Pinaliit ang tiyan ng mga tiyaning pulis. Ngayon senador, may potensyal sa 2010.
7.
8.
9.
10.
O kung hindi ko nabanggit, para sa iyo ang ilang puwang.
Sabi nila sa buhay-aktibista, when you expose, you propose. Parang di ko yata nakikita ngayon ang propose, puro expose lang.
Nakikita mo ba sa kanila ang pangulo mo? Kumpiyansa ka ba?
Sa pagbaba ni Gloria, papalit ang isang bagong pangulo. O, tapos?
8 comments:
You forgot one thing. Expose, OPPOSE, and propose :)
Oh, yeah! Thank you for reminding me.. Expose, Oppose and Propose.
Puro expose and oppose. Kaunti lang kundi walang propose.
Sino ang nais mong pumalit kay PGMA?
I find my interest in Lacson.
Why? Because of crimes? :)
Yes. Hopefully, he would be better.
How about you?
Given the potential candidates, Villar for now. We know, what are the philosophies and advocacies he's been known for. (Maari pang mabago).
There's no perfect leader, pure leader as well. Today, PGMA's foregone entities are the people's rights, fundamental laws and others, in return of numerically impressive economic performance (doesn't trickle down to the people). There's always a trade-off.
I guess Lacson has already proven something to be regarded as a choice.
I agree. Tapos ni Gloria, sino? Tapos ng bagong presidente, anong mangyayari sa Pilipinas?
Post a Comment