Hindi ko napigilan ang aking sarili na ihambing ang kinalakihang mukha ng Maynila. At, narito ang ilang katotohanan ng kalunsuran:
Sa higit isang dekada kong paninirahan sa Maynila, nakita ko kung paano lamunin ng alikabok ang pangarap ng mahihirap na Pilipino. Masisisi ko ang ilan, sapagkat sila mismo, hindi gumagawa ng paraan upang maabot ang mga pangarap na iyon -- na lalo pang pinaiiral ng kawalang pag-asa, puro pagtutuligsa sa pamahalaan sa kabila ng hindi pagpuna sa kanilang pagkukulang hindi na lamang bilang mamamayan, kundi bilang tao.
Naramdaman ko rin kung paano gumapang ang pangil ng kahirapan mula sa Class E hanggang Class C. Naranasan ko mismo kung gaano kapurol ang ngipin ng ilang batas Maynila. Nasaksihan ko rin kung paano natin pinupurol ang ilang akmang batas. Nabalitaan ko ang mga nalagutan ng hininga sa lungsod dulot ng karahasan, kahirapan at panunupil, ang mga inalisan ng karapatang mabuhay sa pamamagitan ng paninirang-puri, pagyurak sa pagkatao, panloloko, at iba pang uri ng pambubusabos. Ang makabagong Magdalena, silang tinatawag na ligaw na bulaklak ay patuloy pa ring namumuhay sa dilim ng Ermita at Remedios Circle. Ang mga drogista't nagtutulak ay nanatili sa nakapanlulumong bagsik ng lason nito. At, ang mga kabataang nasisira ang buhay dahil sa napakaraming dahilan, binubunton ang sisi sa iilan. Ang laganap pa ring kahirapan kasama ng kawalang-disiplina at iba pang isyung salungat sa moral at iba pang aspetong pantao.
Ihiwalay mo man ang emosyon sa katwiran, ngayon, mas nakikita ko ang kahalagahan hindi lamang ng mga batang Maynila kundi lahat ng kabataan upang sagipin ang karamdamang ito ng ating lipunan. Lahat tayo ay may kani-kaniyang talento't kakayahan upang buuing muli ang basag na imahe ng ating lipunang ginagalawan.
6 comments:
Yes that's the truth.
The problems of Manila are problems of other key cities of the Philippines as well. I guess this is the current trend of what they call "moral bankruptcy", which directly affects the youth.
A well-phrased persuasive/descriptive argument!
....as to the transition, another thing, your blog looks more appealing now. mas maganda ang kulay ngayon.:)
"Masisisi ko ang ilan, sapagkat sila mismo, hindi gumagawa ng paraan upang maabot ang mga pangarap na iyon -- na lalo pang pinaiiral ng kawalang pag-asa, puro pagtutuligsa sa pamahalaan sa kabila ng hindi pagpuna sa kanilang pagkukulang hindi na lamang bilang mamamayan, kundi bilang tao."
- yan ang nakikita mo subalit may 'iilan' din na maaaring maging sensitibo sa kontekstong ito. (na maaari ring isang tagabasa ng blog mo. :D) ang 'iilan' na ito ay may pinaglalaban din.
Hindi ko sila tinatanggalan ng "ipinaglalaban" sa puntong ito. Nalalaman kong sila rin ay may gampanin sa lipunan. Ako, aminado akong may pagkukulang ako bilang isa sa mamamayang Pilipino.
Ang sa akin lang, tulungan mo muna ang iyong sarili, bago ka matulungan ng iba.
saan ka nag high school??
kasi parang may naikwento yung cousin ko na YFUR ang name..
maybe it was you..
hmmm..
Ramon Magsaysay High School ba?
hehehe
yung cousin ko was from Araullo High School
Hindi po, sa Manuel A. Roxas High School. Nagturo ang nanay ko sa Araullo High School.
yffar talaga ang pangalan mo?
Post a Comment