Wednesday, June 04, 2008

Transisyon

Ang kaarawan ang nagsisilbing sagisag ng pagsasara ng isa at pagbubukas naman ng panibagong yugto. Masayang isipin na nagkakaroon pa ng pagkakataon ang mga tao para sa isang "extension", isang panibagong kontrata upang masiliyang pang muli ang mundong ito -- sa batid nating hiram at temporaryong daigdig.

Hindi natatapos sa ika-17 yugto ang aking buhay, alam kong hindi pa kumpleto ang aking misyon, nagsisimula pa lamang ako.

Alam na alam ng mga tao kung ano ang buhay subalit ipinagsasawawalang bahala ang pagpapahalaga rito, kung hindi man, nakakalimutan. Saan man ako anurin ng aking mga pangarap o saan man ako dalhin ng aking mga paa, kabahagi na ng aking retablo ang pagpapahalaga sa aking buhay, ang pagpapahalaga sa aking sarili.

Ngayon higit kailanman, hindi materyal o kahit anong bagay ang makapagpapasaya sa tao.
Mas maraming pang dapat pasalamatan sa buhay na ito, wala pa diyan kayo at ang aking pamilya.

Maraming salamat at ako ngayon ay nasa ika-18 yugto na, ng aking buhay.
Hunyo 2 ng kasalukuyang taon, pinirmahan ko ang panibagong kontrata sa paglalakbay na ito...

4 comments:

Railey! said...

Ay, bday mu?:?

P O R S C H E said...

Ay, hindi obvious?? Haha.

xchastine said...

WAHAHAHA. pwede matawa?? joke lang. haha.

P O R S C H E said...

Loko ka ha.:D Hahaha..