Madalas, tinitingnan natin kung hanggang saan ang kaya nating gawin.
Minsan, alam na natin ang tatahaking landas pero sa huli, bigo pa rin tayong maapakan ang nais nating puntahan. Nakatuon tayo sa inaakala nati'y tiyak na direksyon.
Kung matapang ka naman, handa kang suuingin ang kawalang-sigurohan. Nakikipagtalo ka, sinusubok ang iyong kapalaran. Pero, minsan ni hindi mo man lang nakita ang liwanag sa dulo ng direksyong iyon -- kahit saglit lang. Hindi mo man lang nakita ang posibleng rikit ng patutunguhan.
Kaya, hindi rin nawawala ang mga desisyong pinipili na lamang ang direksyong paayon sa agos ng paligid. Ika nga, go with the flow. Hindi mo naman napapansin pero minsan kung kailan desidido ka na, tsaka mo lamang mararamdaman ang pagkapagod na ipagpatuloy pa ang mga gawaing ito. Nawawalan ng kahulugan ang lahat. Nababagot ka. Ang tingin mo, nawawalan na ng saysay, at tumatamlay na ang dugong palaban. Parang inililihis ka ng taksil na enerhiya tungo sa ibang dimensyon.
Hanggang sa naiba ang plano mo sa tunay na nangyari, naging puro drawing ang mga plano mo at naging ganap ang iyong tagumpay sa larangang hindi mo pinili.
Hanggang sa naiba ang plano mo sa tunay na nangyari, naging puro drawing ang mga plano mo at naging ganap ang iyong tagumpay sa larangang hindi mo pinili.
Pinalad ba? Karapat-dapat ba? Sadya nga bang pinagpala?-- ang mga taong plakado na ang direksyon sa buhay kaya hindi mali ang kinaroroonan; ang mga taong plantsado na ang direksyon sa buhay?
Saan ka ba talaga pupunta? Saang direksyon ka ba talaga tatalima?
Sa napakaraming sagisag sa daraanan mo, mas makabubuting suriin ang sarili, tingnan ang mga nais pang pagyamanin, gamitin ang kakayahan upang maging produktibo. Magtalaga ng mga ispesipikong layunin at pagsumikapan ang mga ito. Ang sabi ng nakararami, haluhan mo ng dasal.
Sa napakaraming sagisag sa daraanan mo, mas makabubuting suriin ang sarili, tingnan ang mga nais pang pagyamanin, gamitin ang kakayahan upang maging produktibo. Magtalaga ng mga ispesipikong layunin at pagsumikapan ang mga ito. Ang sabi ng nakararami, haluhan mo ng dasal.
Naniniwala rin ako sa calling, sa divine intervention at sa purpose driven life. Bahagi nga siguro ng pag-unlad ang pagkalito sa tunay nating hangarin. Sabi naman ng ilan, stick to your goals, dahil minsan, kapag napangungunahan ng yabang at nakalimutan ng tanawin ang mga bakas na naiwan -- kung gaano kataas ang lipad ng pangarap mo ay siya ring taas ng paglagapak mo.
Kung nangangapa pa tayo sa dilim, umpisahan na nating hanapin ang liwanag.
Gusto mo ng liwanag, pero natatakot kang suungin ang dilim.
Gusto mo ng liwanag, pero natatakot kang suungin ang dilim.
---------------
*Maaring makareleyt ang mga papasok sa kolehiyo, may identity crisis, may attitude problem, nais magbagong buhay, may inferiority at superiority complex, mga nagbabalak umalis ng bansa kapalit ng mas mataas na sahod tulad ng guro, seaman o caregiver, maging ang pagpaplano ng mga bagay-bagay at iba pang aspetong nangangailangan ng kasagutan at desisyon. (Larawan mula sa Google)
Kahit lahat ng ito ay maaring easier said than done, sabi ng isang Research professor, kailangang maging SMART. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time-bound.
6 comments:
Hey! may blog ka ulit?
Suungin = tahakin, harapin.
What's suungin? Haha.
na-excite ako dun ha...hehe.:)
yun nga,
suungin=tahakin/harapin/bagtasin/salikupin.
Minsan, alam na natin ang sagot, pero patuly pa rin tayung naghhnp ng sagot.:)
Basta, kung alam mong hindi ka na pwede dun, wag mo na ipilit. Nakakadegrade lang lalu,.,
kung hindi mo susubukan, paano mo malalaman kung ano ang naghihintay sayo? :)
nakakareleyt din ito sa pelikula ngaun ni shawie. haha.
Post a Comment