Bagaman tayo ay nabibilang na sa mundong may malakas na impluwensya ang teknolohiya, may ilang sitwasyon na magbibigay patotoo na marami pa rin sa ating paligid ang hindi natin lubusang maiintindihan.
Pilit mang ikinukubli ng pagkakataon ang mga kuwentong naglalarawan sa third eye, hindi pa rin maiaalis ang pagdaloy ng mga natatanging kuwento nito patungo sa makabagong panahon. Ikinakahon man ang konsepto ng third eye bilang bahagi lamang ng mga lumang kuwentong bayan at elementong resulta lamang ng pagkalayo sa urbanisasyon kundi sibilisasyon -- ito ay isang bagay na bumubuhay sa ideyang sadyang may mga bagay na hindi mabibigyang katuturan ng tao at ng agham.
Kababalaghan man para sa iba, Malas naman ang tingin ng ilang grupo. Anuman ang tindig ng bawat indibidwal sa puntong ito ay maisasabalikat na lamang sa dahilan nagkakaiba-iba ang tao. Maaring lingid nga sa kaalaman ng mga tao ang konsepto at tunay na ideya ng third eye dahil sa napakaraming salik: (1) pagkatakot na harapin ang katotohanan ng third eye; (2) pagkatakot sa epekto ng third eye dulot ng ilang kuwentong may masaklap na pagkakalahad; (3) kasalatan ng mga tagapaghalina sa paksa tulad ng komunikasyong pangmasa .
Ang third eye ay maaring katutubo at aktwal nang bukas para sa iba samantalang kagustuhan naman ng iba ang pagpapabukas nito.
4 comments:
Oh! Long time no see!
Well, marami na kong kailangang basahin...mukhang napakarami ng entries ang namiss ko!:)
Busy kasi ako sa practicum eh. Pero, since mejo di na toxic, I can do this! I miss this blog So much! At, nanatili ka pa ring una sa lahat ng blog for me. Hanep, talaga topics mo, one of a kind..
Di ko na alam kun san mo pinipulot yan. politics, minsan serious, minsan hindi, lahat. Aba, hindi biro yun ah. :)
...at, isa pa, tinary mo pala something metaphysical ngayon ha. hehehe..
keep it up bro''. astig ka! nagwa-wonder ako sa mga entries mo, may pagkajournalist.. hehe..sori namn..
Maraming salamat "railey" sa patuloy na pagbabasa at pagpapahalaga sa aking mga katha. Salamat!
Kung bibigyan ako ng pagkakataon, bakit hindi, nais ko ang trabahong iyon.:)
Post a Comment