Sunday, May 25, 2008

Tabalits 101

1. Kapag nagsasalin ka ng salita, ang isinasalin mo ay hindi talaga ang salita kundi ang diwa nito.
Bigay tayo ng halimbawa, "Watch your steps".
Kung literal ang salin, maaring maging: "Orasan mo ang iyong mga hakbang"
Ngunit ang tunay na pagkakagamit ng "watch" dito ay bantayan o tingnan.

2. Si Karen Davila ng TV Patrol World ngayon ay dating kabahagi ng Saksi kasama sina Mike Enriquez at Mel Tiangco. Naging host din si Davila ng Extra! Extra! katapat ng Balitang K ni Korina Sanchez.

3. Ina ng musikerong si Wency Cornejo si Mel Tiangco. Pinasikat ni Wency ang kantang Hanggang at marami pang iba. Itinapat bilang flagship newscast ng GMA-7 ang Frontpage: Ulat ni Mel Tiangco sa TV Patrol ni Sanchez.

4. Ang konsepto ng newscast na Bandila ay: tatlong bituin, tatlong batikang mamamahayag, sa ngalan ng bayan. Inisyatibo ng Dos na itapat ang newscast na ito sa drama o soap ng ibang istasyon upang manguna sa pagbabago ng television news gathering at television journalism landscape.
Ces: At nagdaan na naman po ang isang araw ng pagbabalita.
Henry: Isang araw na bahagi na ng kasaysayan.
Korina: Sa ngalan ng Bayan, sa ilalim ng nag-iisa nating Bandila.

5. Hinihikayat tayong iboto ang underground river ng Puerto Princesa City, Palawan na mapabilang sa New Seven Wonders of the World.sevenwondersoftheworld.com -- pwedeng bumoto on-line.

TV Patrol dati:


6. Si Kim Atienza ang opisyal na pinagpasahan ng habilin ng walking dictionary at noo'y weatherman na si Ernie Baron upang pumalit sa kanya.

7. Hanggang sa ngayon, Serbisyong Totoo pa rin ang tagline ng GMA-7 kumpara sa ABS-CBN na nagpapalit palit na.

4 comments:

tintastic said...

naks naman. ayos sa mga trivia. :D

Railey! said...

Talaga? Ayos ah..
I disagree, dapat hindi si Kim ang pumalit kay Ernie.

Napansin ko, oo nga, from Sandigan ng Katotohanan nagpapalit palit hanggang sa Naglilingkod Sa inyo saanman sa mundo, pati Panig sa Katotohanan, Panig sa Bayan, samantalang yung GMA Serbisyong Totoo lang.

Keep informing.

P O R S C H E said...

To tintastic: Hehehe. Syempre!:D

To railey: Sino gusto mong pumalit kay Ernie? Sa akin, okay na okay si Kim.

Railey! said...

Wala pa sa ngayon. Basta i disagree. hindi dapat siya. i have nothing against him,kaya lang sa palagay q my ms dsrving sa iniwang title ni Ka Ernie.:]