Monday, May 26, 2008
Pag/tulog
Nag-aagaw ang dilim at liwanag.
Nakapikit man, gising pa rin ang aking diwa.
Hindi na gumagana ang behikulo ng salita.
Hanggang sa ang ulirat ko'y tuluyang nawala,
At ang tangi kong alam ay ang pagpasok ko sa panibagong daigdig.
Hanggang sa tuluyan nang lamunin ng dilim ang paligid ko.
Wala na akong nakikitang bakas ng totoo.
Iniluluwa ng isip ko ang mga pantasya ko.
Ang pangarap ko.
Ang lahat ng di ko makuha.
Ang lahat ng di ko maabot.
Ang kinatatakutan ko.
Dito ko lang nararanasan ang lahat ng ito.
......................................................................................................................
......................................................................................................................
.........................................................................................................................
At ngayon, hindi mo alam kung anong nasa isip ko.
Hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip ko.
.......................................................................................................................
........................................................................................................................
........................................................................................................................
Hanggang sa sinalubang ako ng kabaligtarang anyo.
Malinis na ang landasin ng behikulo ng salita.
Tuluyan nang bumangon ang aking diwa.
Lantaran muli ang talastasan ng aking ulirat.
Tulog ako, pero gising naman sa daigdig na iyon.
Tsaka ko rin lang nalaman nung nagkamalay na ako.
At, ikukwento ko sa iyo kung anong daigdig yaong pinasok ko.
Ang binagtas ko sa pagkalas ko sa temporaryong mundo.
Maging iba man ang bersyon, ikukuwento ko sa iyo ang panaginip ko,
kung gusto mo.
-------------
Ang pagkawalay ko sa katotohanan patungo sa isang panibagong daigdig, ang paghulagpos sa pagkakakapit sa maluhong daigdig, mula sa pagkakahimbing.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
"Ang pangarap ko.
Ang lahat ng di ko makuha.
Ang lahat ng di ko maabot.
Ang kinatatakutan ko.
Dito ko lang nararanasan ang lahat ng ito."
WAAAAAAH! kaya masarap talaga matulog! wag lang manulog. HAHA! diba? :)
korek!!! i agree with you chachaz!! wahahaha. :D
This is great! Parang yung kantang:
"Doon ay kayong ipunin lahat ng bituin..bla bla..." Haha.
Tama, masarap matulog.
I'm asking your permission whether you like it or not.. heks. permission? Gagamitin po sana ng gf q tong entry mo sa journal na ipapublish.. ok lang ba? isasayt namn 'ung author. please 3X ;)
To Railey: Bahala ka. Sige.
To noongmalapad:
Hahaha. Sino bang nanunulog?? Kilala ko ba iyon? Hahaha. :D
To tintastic:
Di nga tin? Sino iyon?? Laughter. :D
hindi talaga marunong magpanggap o.
napaghahalataan! WAHAHAHAHAHA.
wahahaha. obvious ka poy! hahaha.
Ayyii.. Obvious ba..
Sige na nga. Opo ako si yfur, naunulog.
Wahahahaha.:D
Post a Comment