Hindi ko lubos maisip na magbabago ang kanyang ugali sa nakalipas na dalawampung oras. Hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko alam kung saan ko kukunin ang ngiting sanay kong ipakita.
Hindi ko alam pero sa mga oras na ito, ngayon ko nararamdaman ang buong kapaguran. Naiisip kong muli at nabibigkas na pagod na nga ako. Napapagod akong alamin ang dahilan kung bakit nagbabago ang ilang inaakala kong hindi. Napapagod akong alamin ang mga hindi ko alam at hindi ipinapaalam sa akin. Liban sa mga ito, titingnan ko rin ang puntong minsan kasalanan nga rin ba ang alamin ang mga hindi na dapat malaman?
Nababawan ako, hindi ko alam kung nararapat ba ang mukhang iyon para sa kanya. Hindi ko alam pero biglang sinakluban ako ng galit sa kaniya dahil ayaw niya mang ipaalam, ipinadadama niya. Nagbago ng walang kamalay-malay. Naging malamig siyang bigla.
Umaasang sa sandaling iyon kaibigan ko pa ang mundo.
Hindi ko alam ang ginagawa ko.
Hindi ko alam kung kaibigan ko pa siya.
Ilang saglit na pagsalikop sa emosyon.
Ilang minutong pag-aalangan.
Maya maya, bumalik na sa dati ang lahat.
At ngayon, kaibigan ko pa rin silang lahat -- kabilang ang mga salita at ang aking sarili.
4 comments:
sino?
Ito ay mood swing ng isang kaibigan.
Isang pagsubok ito na ilapat ko sa salita ang maaring maramdaman ng may mood swing.
Hindi ko lang alam kung tagumpay ito.
Kahit sino mang kaibigan 'to, para sa kin, naipahatid mo yung pwede kong maramdaman pag may mood swing...
'Yun nga eh, sana matagumpay kong nailahad ito. Salamat.
Post a Comment