Thursday, May 08, 2008

Ang Kasalukuyan

1. Sa isyu ng kidney ban

Ang pagbebenta ng kidney o ng kahit anong bahagi ng katawan ay isang kritikal na isyu para sa mga tagapagtangkilik nito. Una, ang pagban sa bentahan ng kidney ay isang pagpataw umano ng "deliberate death" sapagkat sa pananaw, ang pagpigil sa bilihang ito ay ang pagtatanggal din ng karapatan para dugtungan pa ang buhay ng isang may kailangan. Ikalawa, nararapat malaman ang kaibhan ng nagbebenta sa nagkakawang-gawa. Ang desisyon ng kidney seller ay dapat sasaklaw lamang umano sa kamag-anak o kapamilya, bunsod nito, umani ng pambabatikos ang mahihirap na sektor o mamamayang hikahos, ayon sa kanila, ito ay itinurin na nilang "hanap-buhay". Samantala, hindi pa rin naman nawawala ang mga taong ipinapalagay ang pag-aalay ng body organ bilang isang sakripisyo at malugod na gawain. Ikatlo, hindi pa rin nawawala ang pamantayang moral at etika, na ang pagbebenta ng kidney ay pagpapasailalim sa maling gawi ng buhay (pag-abuso sa katawan o kaya nama'y pakikipaglaro sa kamatayan).

P50,000 hanggang 100,000 ang bentahan ng kidney.

2. Butil ng Bigas

Ang pinakamurang komersyal na bigas sa panahon ngayon ay nasa P27 hanggang P30 kada kilo, kumpara sa NFA Rice na P18.50 hanggang P20.00. Ang iba, may pambili man, wala namang mabili. Kaya hindi nakapagtatakang sa paglalakad ko sa Faura, ang nabutas na plastik na may 1 kilong bigas, matiyagang pinipili sa kalipunan ng alikabok, putik at dumi.

Sa kabilang banda, patuloy pa ring iginigiit ng pamahalaan na sapat ang rice reserves para sa susunod na tatlong buwan kasabay ng panahon ng anihan. Nito lamang nakalipas na buwan (Abril), isang imbakan ng bigas ang nasiyasat, at nakitang nabubulok na ang may 50 sako na nakatakdang bilhin ng NFA.

3. Gokongwei Wants Petron

Ito ang banner story ng pangunahing pahayagan ngayon.
Sa pantayong pananaw, makikita kung paano mag-isip ang kapitalista sa kapwa kapitalista.
Name it, they'll get it, ganito kadali.

4. Magulang sa loob ng Pamantasan

Hindi normal sa loob ng isang state university ang makakita ng kumpol kumpol na magulang sa tanggapan hanggang sa bulwagan ng pamantasan. Kung dati rati'y mayorya ng estudyante ang sariling sikap sa pag-eenrol, ngayon, tila mga kinder na bitbit ang kanilang mga magulang. Kung susuriin, hindi na masama ang senaryong ito, sa perspektibo ng mga maiingat. Bakit?

P 300 kada unit ang tuition na nangangahulugan ng mas malaking perang bitbit sa araw ng enrolment. Kung sa seguridad lang din ang basehan, walang mali sa pagsama ng nakatatanda lalo na kung hindi sanay sa kalakaran ng lansangan partikular sa Maynila. Maaring sa loob ng pamantasan ligtas ka, pero hindi sa ibang lugar. Nakakapanibago lang.

5. PGMA sa Korte Suprema

Dalawang magkasunod na araw na ang pagbisita o pagsadya ng Pangulo sa Korte Suprema. Una, upang ayusin ang kaso ng mga rice hoarders. Ikalawa, upang madaliin ang ilang kasong hindi pa naisasampa hanggang sa ngayon. Ikatlo, iba pang kadahilanan.

Kasabay nito, nagdulot ito ng mabagal/mabigat na daloy ng trapiko sa panulukan ng Faura at Taft. At dahil, iisa lang ang iniikot ng mga dyip, masikip ang lahat ng bukana ng lansangan. Isama pa natin ang mga OB (out broadcast) van ng media na nakahimpil sa tapat at kahabaan ng Korte Suprema. Mabuti at nagagawan pa rin ng paraan ang pagpasok at paglabas ng mga ambulansya ng PGH na kapit-bahay rin ng nasabing institusyon.

5 comments:

Jan Robert said...

nice one!

P O R S C H E said...

Maraming Salamat po!

xchastine said...

salamat sa mga balita! :) mahirap ang walang tv e. haha.

P O R S C H E said...

Very Good!:)hehehe.

Makibalita lagi.

Railey! said...

Magaling. Magaling. Magaling.
Pwede na.

Oops,nakita ko yung resume something mo sa pag sinearch yung pangalan mo sa yahoo. kaya lang ayaw maopen, 'no kaya i'on?