Saturday, June 21, 2008

Out of Options?

  • Sa piling lugar ng Britanya, ang animation partners na sina Winnie the Pooh at Piglet ay pilit na binubuwag. Ito ay matapos ipatanggal ng mga kababaihang Muslim (karamihan ay mga ina) si Piglet sa mga disenyo ng mga damit, pundang unan, baby's clothing at iba pang paraphernalia na binuburdahan at nilalapatan ng nasabing cartoon tandem ng baby-gear chain na Mothercare. Ito ay sa pagpapanatili ng kanilang paninidigan sa relihiyon. *From Newsweek, An International News Magazine
"I don't want my children playing with him." - isang mamimili
"Piglet is an integral part of Winnie's friends. How could we possibly dump
him?
-
Mothercare
  • Premature campaigning or just for commercial ads? Here's Philippine Senator Loren Legarda, presidential aspirant. (Image from Newsbreak)
  • Nitong nakaraang araw, malaki ang ginampanan ng senadora sa paglaya ng broadcast journalist na si Ces Drilon. Sabi pa ni Ces, nagmistulang "life line" si Loren para sa kanya. Matatandaang naging aktibo na rin si Legarda sa mga nakalipas na pagdaraos ng "peace talks" at iba pang negosasyon sa Mindanao noong siya ay isang pang mamamahayag.
  • Lumabas ang mga balita na ang handler nina Ces at ng kanyang news team ay siya ring kidnapper, at umano'y nakihati sa di umano'y ransom money.
  • Signal No. 2 ang Metro Manila sa patuloy na paglakas ng Bagyong Frank na may international name na "Fengshen". Ang mata ng bagyo ay nasa Mindoro. Ngayon pa lamang, marami na ang kasong naitala --- tumutukoy sa bilang ng nasawi, nasugatan at nasirang pag-aari. (160 kph at may pagbugso o gustiness na 195 kph, tumutungo ng pahilagang kanluran sa bilis na 11 kph)
  • Hindi maiwasang magkaroon ng hinuha na maaring inabuso sa pinakamalupit na paraan (gahasa) ang mamamahayag na si Ces Drilon, matapos ang halos isang linggong abduction sa kanyang news team sa Sulu. Sana hindi.
  • Inilunsad ng Dos ang "Harapan" na eere sa Hunyo 23, sa pangunguna nina Ted Failon at Korina Sanchez. Ito ang sinasabing TV episode ng DZMM radio program na pinagtatambalan nila. Ang titulo ng programa ay hango sa tagumpay ng news and current affairs special na Harapan kung saan itinampok si Jun Lozada sa kasagsagan ng NBN-ZTE Deal.
  • Isang bagong simbolo para sa Unibersidad ng Pilipinas ang pormal na ipinakilala sa publiko sa Maynila. Ang bagong oblation ay kumikilala sa pagdiriwang ng sentinaryo ng Pamantasan. Ito ay matatagpuan sa bakuran ng Philippine General Hospital.

8 comments:

Railey! said...

Maaring pakawala yan ni GLoria, kasi sinisiwalat ng media ang baho ng gobyerno!

Railey! said...

Si loren? premature campaigning yan!

P O R S C H E said...

Isa pang balita:

Si Frank sa ngayon ang itinuturing pinakamalakas na bagyo ngayon taon ayon sa Pag-asa.

To railey:

Sinasabi pong taktika mula ito ng pamahalaan? Paano ka nakasisiguro?

Kay Loren, tila mas marami nga ang nagsasabi na premature campaigning 'yan.. Hindi man niya itensyon, pero naging isang pagtingin ito ng taumbayan. Matyagan.

P O R S C H E said...

*Ang bagyong Frank ang itinuturing pinakamalakas na bagyo na nagdaan ngayong taon ayon sa PAGASA.

Ienne said...

Sa totoo lang, maaaring taktika rin ang kidnapping case na iyon ng ABS-CBN laban sa gobyerno. Ang posibleng motibo, alam ng lahat. Lahat ng posibilidad ukol sa isyu ay nararapat nating alamin at pag-aralan :)

P O R S C H E said...

Isang katotohanan. May posibilidad. Nararapat ngang masusing pag-aralan.

Napapaisip ako ngayon kung may pinapanigan lang ba ako sa larangan pamamahayag o sadyang hindi ko maisip na gagamitin ng ABS-CBN si Ces para maging taktika laban sa gobyerno? At, kung alam ng lahat, ibig sabihin kakontsaba din ng istasyon ang masasabing pagkukunyaring pag-alala ng kanyang pamilya?

P O R S C H E said...

*larangan ng pamamahayag

Ienne said...

Hindi ko alam. Ngunit may posibilidad.