Nitong nakaraang linggo, nagpamudmod ng bilyong halagang salapi ang Pangulong Arroyo para sa mga mahihirap. Ang isyung ito ang nakikitang butas ngayon ng mga kritiko ng pangulo para sa paghahain ng panibagong impeachment case. Ayon sa dating National Treasurer, hindi angkop ang pagsasagawa ng mga ganitong hakbang lalo na't hindi naisasabatas ang mga ito. Sa halip, pigilin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga basic commodities kabilang ang bigas, petrolyo at langis. Iginiit pa ng ibang paham sa larangan ng ekonomiya na subsidiya para sa mga pangunahing produkto at serbisyo ang kailangan.
Samantala, ibinasura naman ng gabinete ang panukala na bigyan ng emergency powers ang pangulo sa panahon ng kagipitan. Pagtitipid pa rin ang nakikitang solusyon ng pamahalaan sa pangdaigdigang krisis sa bigas, petrolyo, langis at enerhiya.
Patuloy pa rin ang pagsadsad ng piso laban sa dolyar. Mula sa average 41.00 nito sa nakalipas na 6 na buwan, bumalik na sa ~44.00 ang palitan.
Bagaman watak watak sa paninindigan ukol sa fare hikes, may pagbabadya pa ring maituturin sa sektor ng transportasyon na paralisahin ang Kamaynilaan sa mga susunod na linggo.
Ang komersyal na bigas ay nasa P 34 -35/ kilo. Nag-utos na na ang gobyerno na magpalabas ng 60 sako ng bigas para makontrol ang pagtaas ng mga komersyal na bigas.
Batid pa rin ng masang Pilipino ang mataas na bilihin sa merkado katulad ng baboy, baka at manok. Mula sa inihirit na .50 na dagdag sa pamasahe, isusulong ulit ng PISTON at iba pang transportation groups ang orihinal na dagdag P1 para sa pamasahe. Probisyonal o temporaryo lamang ang P7.50 to P8.00 fare hike.
Nababahala naman ang ilang ekonomista sapagkat ang mga senaryong ito ay mga pangitain ng patuloy na paghina ng pundasyon ng ekonomiya at maaring makapagbigay ng "perfect condition" para sa worst case scenario, o pinakamasamang estadong maaring mangyari sa Pilipinas, tinatawag itong "perfect storm economy".
Tila umiikot na muli ang gulong ni Mang Juan dela Cruz.
Tila umiikot na muli ang gulong ni Mang Juan dela Cruz.
2 comments:
Perfect storm economy - so parang inihahanda tayo para sa isang malakas na bagyo, at ang mga senyales nito ay ang mga kasalukuyang economic problems?? Ganun ba?
thanks for the trivia! Sino kaya ang nag-coin ng term n 'yan?
Perfect storm economy - so parang inihahanda tayo para sa isang malakas na bagyo, at ang mga senyales nito ay ang mga kasalukuyang economic problems?? Ganun ba?
--perfect recession/crisis translated figuratively to a storm.
I'll research. I got this from Teleradyo headlines.
Post a Comment