Pasukan 2008
- Kumpirmadong pasok ang apat na RP sites natin sa World's New Seven Wonders of the World Top Ten. Nakalap ang mga boto mula sa world wide web, voting advocacies mula sa iba't ibang bansa at iba pang dugtungan.
- Nawawala ang mamamahayag na si Ces Drilon, kasama ang dalawang iba pang kabahagi ng kanyang news team sa Sulu. Ito pa lamang ang nakukuhang lead hanggang sa mga oras na ito.
- Nagdulot ng kalituhan ang pinaiiral na "Holiday Economics" ng Pangulong Arroyo. Sa sistemang ito, inililipat ang isang holiday kadalasan sa araw ng Biyernes at Lunes upang mapagdikit-dikit ang mga araw na walang pasok. Matatandaang inilipat ng Pangulo sa Hunyo 9 ang dapat sana'y Hunyo 12 na tunay na Araw ng Kalayaan.
- Hindi naman sumang-ayon ang National Artist for Literature B. Lumbera sa kalakarang ito, sapagkat nawawalan umano ng saysay ang kaluluwa ng kasarinlan ng Pilipinas. Dagdag pa niya, makikintil sa isip ng kabataan na ang araw ng kasarinlan/kalayaan ng Pilipinas ay maari na rin palang ilipat-lipat ng petsa katulad ng isang barrio fiesta.
- Sinasabing ang Araw ng Kalayaan ay siyang kaarawan ng Pilipinas.
- Tutol sa Holiday Economics ni PGMA ang National Historical Institute, ang kalayaan umano ay maihahalintulad sa Pasko ng mga Katoliko.
- Ayon sa batas, may kapangyarihan ang pangulo upang ilipat ang mga holiday/s sa diskresyong nais nito.
- May argumento ring, wala sa petsa ang paninindigan para sa bayan, at pagiging Pilipino.
- Ngayon, pormal na nag-umpisa ang klase sa bansa maliban sa ilang lugar na nasalanta ng bagyo at landslide kabilang ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
- Ayon sa DepEd, sa kabuua'y matiwasay ang unang araw ng pagbubukas ng klase. Katulad sa mga nakalipas na taon -- kasalatan sa pasilidad, libro, kwaderno, iba pang school supplies at guro, ang mga suliraning patuloy na hinaharap ng sektor ng edukasyon.
- Dagsa pa rin ang mga last-minute buyers sa Divisoria.
- Ang pelikulang "Caregiver" ay nagpapakita ng Pilipinong guro na piniling mangibang bansa (London) at maging caregiver kapalit ang mas mataas na sahod. Isang dahilan ng pagkaubos ng mga guro sa Pilipinas.
- Sunod-sunod ang pagpupugay na ipinakita ng mga artista pati na ng mga TV shows para sa namayapang action star na si Rudy* Fernandez matapos ang dalawang taong pakikipaglaban sa kanser sa labas ng bile duct. (peri-ampullary). Nakaburol sa Fort Bonifacio ang labi ni Fernandez at bukas para sa mga nais makiramay at publikong tagahanga.
*Iniwasto; Salamat sa pagpuna G. Onanad!
2 comments:
Panalo talaga ang caregiver, hindi lang sigro masyadu npagtuunn ng pansin ung story plot sa ending.
keep us updated.:'';
ito ang isang dahilan ng pag-alis ng mga guro sa Pilipinas. pagiging praktikal, maliit talaga ang sahod nila dito.
it will take much courage for them to stay here.
Post a Comment