Ilang beses ko ring sinindihan ang kandila. Ang apoy nito ay pilit na hinahapo ng hanging hamog at hanging mula sa pag-alpas ng mga behikulo, kahit pa ikulong ko ito gamit ang aking kamay. Palinga-linga. Nagmamatyag, kasabay ng napakaraming ring may hawak ng kandila sa hanay na iyon.
Sa bawat sigaw nila, nailalabas kaya nila ang kanilang tunay na nararamdaman?
Sa nangangalit na litid, sa pagbigkas ng chant, tunay kayang naipababatid nila ang hinaing ng publikong kanilang ipinaglalaban?
Mahaba haba na nga ang naging kasaysayan ng Pilipinas, lalo na sa pag-ukit ng mga samahang himagsikan, nagsusulong ng pag-aaklas at iba pang kauri nito. Bagaman hindi lahat at naging matagumpay sa adhikaing baguhin ang noo'y mapanupil na sistema, masasaksihan ang napakaraming matitibay na dibdib na naninindigan para sa laban ng mamamayan. Ngayon kaya, ganoon pa rin kaalab ang damdaming progresibo? Iisa pa rin kaya ang dugong naisalin sa mga bagong luwal na aktibista?
Ang magbigay-alam at ang pagsusulat ng istorya ng mga tao sa bangketa o sa lansangan ay isang paraan ng pakikisangkot sa lipunan. Mamayani man ang kaguluhan sa pagdating ng nakababahalang pwersa, ang piliing bagtasin ang pakikibaka nila ay hindi pagkiling sa kawalan, hindi "neutral". At, saksi tayo kung paano umiinog ang buhay natin bilang bahagi ng lipunang ito. Mailalarawan ang napakaraming hinaing sa nagkalat na kwento sa kahabaan ng lungsod, sa pagsuyod sa pusod ng urbanidad, sa paglubog sa kanayunan at sa minsang pagsama sa picket line -- these are the unheard voices of the people.
Kung napakikinggan man, maaring nagbibingi-bingihan. Kung nakikita man, nagbubulag-bulagan. Kung nababatid man, nagmamanhid- manhidan. Walang pinagkaiba sa kawawang sanggol na tinanggalan ng buhay at kaluluwa.
4 comments:
awww ang mga bata.
aww talaga.:(
E minsan kasi yung mga magulang ang mya kasalanan kaya nagkakaganyan. Sabi nga, gawin din natin ang part natin for the government, not the other way.
Nandun na ko, kaya lang isa itong mahabang usapin, dahil maraming salik ang dapat pansinin.
Sa umpisa pa lamang, hindi na pantay ang labanan dahil sa social inequality/ social stratification.
Post a Comment