Isang hapon sa UP Diliman, hinahanap ng dila ko ang isaw. Sa di kalayuan, kumpol ang mga estudyanteng tulad ko, bumibili at namamakyaw ng pagkaing-kalyeng ito. Pagkatapos maluto sa ihawan, lumipat ako palayo sa mga taong umoorder at gayon na rin para ilayo ang aking sarili sa usok na nagmumula sa nagbabagang uling na mas pinagbabaga pag nabubuhusan ng sauce. Doon ako sumiksik sa isang abandonadong espasyo ng kalawakang iyon. Isang bata ang lumapit sa akin.
Bata (B): Kuya, penge naman akong pera, pambili ng pagkain oh, wala kasi kaming pambili..
10 kami lahat.
Poy (P): (Swabe lang) O talaga? Naku, wala rin akong pera eh... San ka ba nakatira?
B: Sige na naman kuya, kasi magkano pa lang to oh... 'Sa Luzon ako nakatira.
P: O? E lahat naman tayo ngayon nasa Luzon ah.. (Tinutukoy pala ang isang lugar sa QC)
B: Alam mo kuya 'pag binigyan mo ko ng pera, alam ko na kung magkano pera ko!
P: O, magkano?
B: Kailangan kong makabili ng pagkain. Pipti pesos isa.
P: E sampu kayo diba? ibig sabihin 50 x 10 = 500 pesos. Mahal naman ng meal niyo... Hahaha.
(Binigyan ko ng kaunting barya)
B: Alam ko kung magkano na pera ko kuya!
P: O sige, ilan?
B: Eyti pesos. Kung sampu kami, kailangan ko pa ng... (nag-iisip)
P: O sige, bumilang tayo...
B at P (sabay): 50, 100, 150, 200, 250, 300, 350, 400, 450, 500...
P: O magkano pa kulang bale?
Dumating ang isa ko pang kaibigan, F1:
B: Kuya, penge namang pera, bibili ako ng pagkain, 10 kasi kami, bibili ako ng pagkain...
'pag binigyan mo ko ng P20, alam ko na kung magkano pera ko.
F1: Ganon...ay, wala rin akong pera. Etong isaw gusto mo?
P: Sige. (tinikman) Ay, ayoko.
Kuya.. sige na!
Dumating ang isa pang kaibigan, F2:
B: Kuya, penge naman akong pera, pambili ng pagkain oh, wala kasi kaming pambili..
10 kami lahat, 'pag binigyan mo ko ng P20, alam ko na kung magkano pera ko.
F2: O, wala eh, ito isaw! Ayam mo? Sarap kaya...(sabay kuha)
B: (naanghangan) Ayoko, anghang!
F2: O ito piso, wala kasi akong pamasehe..
...Tinanggap ng bata, makalipas ang ilang sandali:
B: Ay, sige iyo na, nakakaawa ka naman eh.. iyo na.
F2: Weh? Talaga? Sige na..
B: Hindi sige na.. iyo na.
Mula sa ibang boses: Diyos ko naman kasi, wala na raw maaabot yung piso mo.
At, dumating ang isa pang kaibigan.
B: Kuya, penge naman akong pera, pambili ng pagkain oh, wala kasi kaming pambili..
10 kami lahat, 'pag binigyan mo ko ng P20, alam ko na kung magkano pera ko.
Mula sa ibang boses: Huwag diyan kuripot 'yan!
B: Kuya, kuripot ka daw?
Dumating ang iba pang tatlo:
B: Kuya, penge naman akong pera, pambili ng pagkain oh, wala kasi kaming pambili..
10 kami lahat, 'pag binigyan mo ko ng P20, alam ko na kung magkano pera ko...
*Iyan ang strategy ni Joseph. Bago namin lisanin ang lugar, kulang kulang P200.00 ang naimpok niya gamit ang kanyang palad. Pilit isinisilid ang higit sa 15 barya, ilang lukot na perang papel at patuloy na binibilang ang paglago nito, halos bawat segundo.
"Isa lamang si Joseph sa napakaraming
kabataang napipilitang humanap ng sariling behikulo upang pausarin ang buhay nila, maging ng kanilang pamilya -- ito ay sa sarili nilang pamamaraan,
kahit na musmos pa lamang..."
_____________
*Bakit Joseph ang pangalan ko?
"Kasi di'ba 'yun yung tatay ni Jesus..." ; "Asawa siya ni Mama Mary..."
"Pwede rin akong tawaging Josh, 'lam mo kung bakit?
(Sabay turo sa langit) Kasi, Diyos..."
==================================
*Sa mga may katanungan sa pinakahuling balita sa lagay ng panahon, pangalan ng bagyo, bilis/galaw, saan patungo, apektadong lugar, maging ang kasalukyang estado nito, abot-kamay niyo na ang mga detalye ukol dito, sa aking sidebar links -"Iba Pang Timpla, Tingnan Mo!:)" sa pangalan na "MAY BAGYO BA?" Ito ay mula sa typhoon2000.com.ph. Maraming Salamat!
16 comments:
Tama.. Sila yung mga batang napabayaan na ng magulang. Minsan papunta sa trabaho ko, may mga batang lumapit sa kin para linisan ang sapatos ko. Sabi ko, 'wag na...mga 3 sila... tancha ko mga 4 yrs old, at gussgsin. naawa ako grabe.. binigay ko yung McDong dala ko at 50.00.. hindi ko na sila pinaglinis, isa pa, nakarubber shoes ako, hindi naka balat. hehehe.
Very empathic feature story!
May ganito rin akong kakilala...
Malapit sa plaza namin..
Pero wala siyang istayl...
Hindi niya kabisado sasabihin niya.. Hahaha. Di katulad nito..
At, may picture talaga kayo ha. hehe.
Well-shared.:)
nabilib ako sa batang to e. :)
seryoso ba to?
hehe..
well..andami talagang ganyan sa kalye..
pag nakita ko yan..gusto ko man xang bigyan ng 500 eh wala naman ako nun..
pero dun may city hall..hindi bata..meron dun matandang naggigitara(kung gitara pa bang matatawag yung instrumento nia)..lagi kong nilalagyan ng 5 ung sumbrero nia na lalagyan nia ng 'limos'..
kaawa talaga c lolo..idol pa, ksi kahit sira sira na ung 'gitara' nia eh galing pa ding tumugtog..
hehe..la lang ..share ko lang..
Minsan, ang sarap sisihin ng mga magulang nila. (kaya lang hindi ko naman alam kung buhay pa). Minsan kahit gusto kong magbigay, wala rin akong maibibgay.:(
Buti, may picture kayo? Hahaha.
Benta sa akin nung history ng pangalan niya. Anyways, may nagsabi sa akin na mas mabuti pa daw na pagkain ang ibigay sa mga batang namamalimos kesa pera kasi baka part lang sila ng mga sindikato.
Nice entry!
^_^
To Hugo:
Sosyal, NakaMcDo sila. Hehe. Nangyari na rin sa akin yan, pinupunusan nila ng basahan yung sapatos kahit naka rubber shoes ako. Thank you again!
To brokendams / brokendamsel?:
Oo nga eh, kabisado niya spiels niya. Hehe. Bibo 'tong batang nakilala ko.
Hehe. May picture talaga, subinir.:D Thanks:)
To noongmalapad:
Nakakabilib talaga!:) Sayang, hindi ka lumapit eh...
To fionski:
Opo, seryoso 'to. Aliw no? Hehe. wow, nice, sige pag napadaan ako, titingnan ko rin si lolo. at magpapapicture din. haha. Ganon nga rin ako, wala ko 500 eh. Brrrrr. (yan ah.) Salamat sa pagbisita!:)
To railey:
Haha. may picture talaga. Oo, tama ka, ganun din naman ang kaso ng mga estudyanteng tulad ko. And hey, salamat pala sa patuloy mong pagbisita sa aking blog. Napakasipag mo. Salamat!
To anonymous:
Benta talaga! Nakakatawa nga nung narinig ko eh, lalo na yung dun sa Josh=Diyos! Sabi ko, ayos sa banat ah! I agree. :)
haha...a nice nga ung josh=Dios part..
benta sa'kin yun..
Hindi ko makalilimutan ang batang yun! Hindi ko inakalang masarap pala syang kausap...sobra!
Buti na lang napadpad tayo sa bahaging iyon ng UP Diliman, siguro kapag napunta ulit tayo/ako dun eh isa sya sa mga una natin/kong hahanapin!
At eto pa!hindi lang Joseph o josh ang pangalan nya! Nakausap ko yung mga kaibigan nya at ERAP ang tawag nila sa kanya!haha.. eh kasi yun daw ang tawag sa kanya sa bahay nila (mula daw kay Joseph "ERAP" Ejercito Estrada..ayun, Erap ang tawag sa kanya!)haha
Nga pala, nakausap ko din sya..ganito..
Nano: oh, diba sampu kayo?eh bakit ikaw ang naghahanap ng pera para sa kanila? nasan ba ang mga magulang mo?
Erap: si mama? ewan, baka nagsusugal na naman yun! basta, nasa amin lang yun, baka natutulog!wala naman ginagawa yun eh!
Nano: Eh yung tatay mo? kuya mo? di ba may mga kapatid ka pa?
Erap: penge munang pera!sige na kasi kuya, bibili lang ako ng pagkain kasi 10 kami..
Nano: (Napangiti na lang ako at dumukot ng dalawang piso (ay, piso lang yata yung binigay ko..haha).
Ayun..nga pala, madungis, bitin at punit na damit pambabae ang suot nya(wala daw syang pambili at kung gusto ko daw eh ibili ko sya ng bagong damit)haha..lupet ni Erap!
Ilan pa kayang mga bata ang tulad nya? Masarap lumubog sa lipunan, ngunit nakakatakot makita ang tunay na kalagayan ng mga kapos na tulad nila..hay, sana gumawa na lang ako ng blog entry ko diba?
haha..
To Nano:
Sana nga ganun na lang.. Hahaha.:D Dami niya pangalan no? Haha.
"Ilan pa kayang mga bata ang tulad nya? Masarap lumubog sa lipunan, ngunit nakakatakot makita ang tunay na kalagayan ng mga kapos na tulad nila.."
-gayon nga, pero kasama ito sa propesyong nais ko. Nakakatakot? Siguro nga... Mas malalaman ko pa sa mga susunod na panahon.
nakaka-touch. madami din akong nakikitang mga batang namamalimos eh.. pero hindi ako nagbibigay. lagi ko kasing iniisip na ipambibili lang ng rugby eh. hehe. i think a little help won't hurt.. sa susunod tutulonmg na ako kahit konting barya lang. apir!
Walang anuman, gusto ko ang aking ginagawa. at sa palagay ko, nasabi ko na sa iyo ang nagagawa ng pagdalaw ko . Keep it up!:)
Maraming Salamat kung gayon!:)
Are you a business man or woman? Do you need funds to start up your own business? Do you need loan to settle your debt or pay off your bills or start a nice business? Do you need funds to finance your project? We Offers guaranteed loan services of any amount and to any part of the world for (Individuals, Companies, Realtor and Corporate Bodies) at our superb interest rate of 3%. For application and more information send replies to the following E-mail address: standardonlineinvestment@gmail.com
Thanks and look forward to your prompt reply.
Regards,
Muqse
Post a Comment