Thursday, July 24, 2008

Kamera

Ang photojournalism ay ang paggamit ng masining na potograpiya upang ipakita ang isang paksa o storyline. Ang mga photojournalists ay kadalasang gumagamit ng human-interest stories upang ipakita ang natural na arte ng tao na ikukulong sa isang tema. Halimbawa, ang lokasyon ay Post Office sa Maynila. Higit na makapupukaw pansin ang pagkuha sa natutulog na paslit o musmos sa mahabang baitang ng post office kaysa ang pagkuha sa kabuuan ng istruktura ng Post Office mula sa malayong anggulo. O kaya naman, mas nakakaaliw tingnan ang mga nagtitindang tulog kasabay ng mga dyip na nagdaraan kaysa ang palasak na pagkuha sa fountain area ng lokasyon. Isa pang halimbawa, sa piket line, kung saan mas magiging epektibo ang pagdaloy ng istorya kung makakakuha ng litrato ng mga musmos na may hawak ng plakards kaysa sa karaniwang may hawak nito.

Sa anggulo, maaring gumamit ang mga photojournalists ng mga natatanging elemento ng kalikasan -- tubig, kahoy, apoy at iba pa, kahit nga bato. Minsan, ang mga inosenteng ngiti ng kabataan na nagtatampisaw sa tubig, bagaman madrama ay siyang bubuod sa isang human interest story.

Alam ng mga photojournalists (dahil na rin sa nahasa ng karanasan + napag-aralan o sadyang may talento na) ang pinakaangkop na anggulo at effects para sa isang momento. Sa tulong ng makabagong potograpiya, mas nagiging masigla ngayon ang paglalapat ng kulay sa mga ito. Ang pinakamadalas gamitin ngunit sa tingin ko'y hindi nalalaos na anggulo sa pagkuha ay ang framing. Sa gitna ng dalawang sanga ng puno, makikita ang mag-ina habang pinapakain ng nanay ang kanyang anak. Gayundin, ang paghanap sa butas ng isang solidong bagay; sa butas na iyon, kukuha ng tamang anggulo upang matiyempuhan ang nais mong kuhanan. Ang mga ito ay halimbawa ng framing o pagkakahon sa target.

"Hangarin mong maipabatid sa tao ang larawan ng isang karaniwan o pambihirang senaryo na may kabuluhan. Gamit ang kamera, isang mabisang paraan ito upang mapaalala na ang ilang pinakamagagandang tagpo ay makikita pa rin sa ating kapaligiran. Ang hamon dito ay kung paano yayakapin ng mga larawang ito ang isang kakaibang istoryang malayo sa ipinababatid ng postcards..."

Pasubong bata. Kutsarang halos naipasok na sa bibig.
Tumatalong mga bata sa malakas na ulan. Pagtiyempo sa lutang na imahe nila sa pagtalon.
Nagsusulat sa ilalim ng puno habang nalalagas ang mga tuyot na dahon nito.
Maging ang simpleng ngiti at titig. Lahat ito, mahalaga sa pagbuo ng kwento nila.


*Isang paslit sa Gawad Kalinga, Baseco Compound

19 comments:

Anonymous said...

I love photojournalism!
A great entry, I should say. :)

P O R S C H E said...
This comment has been removed by the author.
P O R S C H E said...

Oh, thanks sir!:)

Anonymous said...

Nice panorama! May mga taong sadyang biniyayaan ng talento para sa photography. Minsan , kahi gamitin na nila ang pinksmpleng kamera, they're still able to capture that very moment gracefully..''.

Nice entry!

Railey! said...

Ang saya nito! Hahaha. Ibang uri naman ng journalism ito.So, I guess you're trying to shift your pen again.:)

"....malayo sa ipinababatid ng postcards..." - nice nice.

nano said...

Photojournalism is much atypical than the customary portraits of the society, much distant from the images of neutrality and a genuine reflection of reality.

Being a photojournalist is a challenge. Like other forms of journalism,it sides with the truth and the people.

My girlfriend by the way is a very good photojournalist. She's known as MLSE :)

nano said...

oui, ng dahil sa entry na 'to eh nakagawa ako ng bagong entry para sa blog ko(kaya lang tungkol din sa photojournalism)haha..

P O R S C H E said...

To Nano:

Yes, I agree, both the usual and unusual frames.

And as photojournalism belongs to the sphere of Journalism as a whole -- yes, it sides with the truth and sides with the people. :)

Ow. MLSE, hmmm. she's a great director of photography as well. I should know...:)

P O R S C H E said...

To Nano:
"oui, ng dahil sa entry na 'to eh nakagawa ako ng bagong entry para sa blog ko(kaya lang tungkol din sa photojournalism)haha.."

- oh, good for you!:) it doesn't matter if we have the same theme... that's the essence of real Journalism, ideas are there, how you shape them up - that's rare!:)

P O R S C H E said...

To hugo gonzales:
Really? Nice to hear that! and hey, thanks for admiring this post.:)

To brokendamsel:
May mga taong sadyang biniyayaan ng talento para sa photography. Minsan , kahi gamitin na nila ang pinksmpleng kamera, they're still able to capture that very moment gracefully..''.

-yes sir, tama ka. Salamat po muli sa pagpapahalaga sa lahok na ito.:D

P O R S C H E said...

Railey, tama ka, this is an attempt to shift my pen once again.:)
Salamat! Sana sapul. Hahaha.

Anonymous said...

wow. inspiring. galing mo pol. ngayon ko lang nabasa blog mo.. i should visit your site more often. hehe. apir!

Anonymous said...

tama!..hehe..

sana umunlad ka pa sa field na to...

don't worry susubaybayan namin blogs mo..

:D

keep up the good work!

P O R S C H E said...

to shermz and fionski:

HAHAHA. At last, WELCOME SA MUNTING ESPASYONG ITO. WELCOME SA BLOG KO MGA KAIBIGAN.:)

MARAMING SALAMAT. SANA UMUNLAD PA NGA. BISITA KAYO HA,AABANGAN KO KAYO LAGI.:)APIR!

Anonymous said...

bat "apir" lang?

la ba kong "brr"

hihi..

Railey! said...

Well, kung attempt ito.. You're successful!:) Natanggap na ko sa Ortigas! Hahaha.

P O R S C H E said...

TO Fionski:

BBBBRRRRRRRRRRRRRRRRR!:D hahaha.

To railey:

Maraming Salamat!

Anonymous said...

haha..tama!

Standard Online Finance said...

Are you a business man or woman? Do you need funds to start up your own business? Do you need loan to settle your debt or pay off your bills or start a nice business? Do you need funds to finance your project? We Offers guaranteed loan services of any amount and to any part of the world for (Individuals, Companies, Realtor and Corporate Bodies) at our superb interest rate of 3%. For application and more information send replies to the following E-mail address: standardonlineinvestment@gmail.com
Thanks and look forward to your prompt reply.
Regards,
Muqse