"Madalas kaming magkita sa daan, hindi dahil sa tiyempo lagi ang paglabas niya at paglabas ko sa aming mga bahay, kundi sinasadya ko siya sa di kalayuan. Sa unang pagkakataon, napag-alaman ko kung ano ang pakiramdam ng tumatalong puso. Sa tuwing nakikita ko siya, sumasaya ang pakiramdam ko. Gumagaan at nagiging maaliwalas ang umaga ko."
Bago ko marating ang panidirya upang bumili ng pandesal pang-agahan, madaraanan ko muna si Aling Belia, ang pinakakilalang sastre/modista sa aming pamayanan. Winawalis niya ang ilang balat ng kendi at iba pang ginamit sa party kahapon. Maraming customers si Aling Belia. Siguro kasi umaayon ang pwesto niya sa distansiya ng mga bahay sa amin -- hindi gaanong malayo, hindi rin naman malapit. Ito ang tagpuan ng aming mga mata. Sa isang buong araw, dalawang beses kami nagkikita. Dalawang napakabilis na momento. Ang una ay ang pagpunta ko sa bakery at ang ikawala naman ay ang pabalik sa aming bahay.
Tag-init. Ang daplis ng sinag ng araw sa kanyang mala-porselang balat ang lalong nagpapatingkad sa napakaganda niyang awra. Kung gaano karaming beses ko binati si Aling Belia ng "magandang umaga po!", ganoong karami rin ang pagkakataong nagsasalubong ang aming paningin. 'Ganung kadami ang beses ng aking pagpapapansin. Dahil dito, nais kong ako lagi ang bumili ng tinapay. Nasasabik akong makita siya araw-araw. Atat akong makita kung bagay ba sa kanya ang suot niyang damit na hindi nawawala sa uso at moda. Hindi ako nagsasawang masulyapan ang mapupula niyang labi. Hindi ko matiis ang aking sariling tingnan ang kurba ng kanyang katawan. Kahit hindi pa kami nagkakausap, alam ko simple lamang siya. Maganda, mayumi, mabait...at lahat ng nais ko sa isang dalaga ay taglay niya.
Nabihag niya ngang talaga ang aking puso. Hanggang sa napansin ko na ring, nagpapapansin na siya sa akin. Ito na ang nakakakilig na tagpo sa aming dalawa. Kasabay ng pagpapalit niya ng ayos at istilo ng pananamit, nitong nakaraan buwan lang! - napansin kong nag-iba ang oryentasyon ng kanyang mukha... pasulong na sa aking pinagmumulan, nakatingin na siya sa akin. Sa puntong iyon, mas napatunayan ko ang kanyang rikit, kahit anong ayos, bagay na bagay pa rin sa kanya. At bagay na bagay pa rin kami. Sa bagong anggulong iyon, sa bagong puwestong 'yon, tila ba inaabangan niya ang pagbili ko ng pandesal. Tila inaabangan ako. Sa palagay ko, gusto na rin niya ako.
Hindi naglaon, nagkasakit si Aling Belia. Sarado ang kanyang dinadayong bahay-tahian. Hindi ko alam kung kaanu-ano niya ba si Aling Belia, dahil sa tuwing may nangyayari kay Aling Belia, nawawala siya. Hindi niya ipinapaalam sa akin, kahit man lang sa ekspresyon kung saan siya pupunta. Katulad ngayon, bigla na lamang siyang naglaho. Akala ko nagkakaunawaan na kami sa estado ng aming relasyon. Nagkamali ako, hindi pa pala. Hindi ko na siya nakikita sa aming tagpuan.
Nang gumaling si Aling Belia, balik sigla na rin ang hanap-buhay ng tahian. Duon, nakita ko siyang muli. Nasaktan ako sa aking nasaksihan. Hindi na siya ang dalagang nakilala ko. Nag-iba na muli ang kanyang karaniwang puwesto, hindi na nakatingin sa kung nasaan ako, tila nakatitig na siya isang panibagong damuho. Taksil. Hindi na siya nag-iisa nang makita ko. Kasama niya ang isang lalaking kamukha ni Superman, mas matangkad sa akin, matangos ang ilong, mahusay manamit, sakto ang pagkakalapat ng pantalon sa kanyang kisig, maputi at mukhang mayaman. Aaminin ko, bagay sila. Kasabay ng pag-amin na, nawalan na ko ng pag-asa.
Hindi ko man lang nabantayang naisahan na pala ako ng pilyong iyon samantalang napakalapit lang naman niya sa akin -- at ang tanging naghihiwalay lang sa amin ay isang malawak na salamin. Hindi ko akalain mahuhulog ako sa bitag ng babaeng pinapangarap kong kamtin. Sayang, ni hindi ko man lang siya nahalikan, ni hindi ko nga nalaman ang pangalan. Pero, sige magsama sila. Ayos na ayos lang, tao naman ako. E sila? Manikin. Sila na ang karaniwang tanawin sa patahian ni Aling Belia mula noon.
13 comments:
Wow! Sosyal! haha. Nagwa-wonder ako, ano to? sudden shift of genre? kasi diba parang news yung latest post where i commented. Now i see, very very nice feature story! Kala ko kung anu eh.. Hahahaha.:D Keep it up! IAF, natuwa ako.
haha! ayos ah. pang manikin lng pla.=) nice poy! ganda!=) keep it up. cge magiging avid reader mo n ako.hehe!
naks naman. ikaw ah. hahaha. :D
bigyang pansin mo kase ang mga tao sa paligid mo. hahaha. :D
May mga bagay lang talaga sigurong kahit anong pilit nating pangarapin ay hindi kailan man mapapasatin. Nakakalungkot.
haha..Tama si Marcia!Bigsan pansin kasi ang mga taon sa paligid mo..tsk!lupet mo poy!
ang landeh!haha!
nice...
muntik na kong magwonder kung cno b ayun..haha..tsaka kung sang bakery ka ba nabili..hehe..
brr..!
Hahaha. A source of laughter! Akala ko kung ano na to... Hahaha. Nice catch!
Well, all i can say is that this is such a great flirtation feature story. haha. i was surprised. so nice.:D
HAHAHA. Why not?! Sa manikin talaga. Hehe. Nakakaaliw to ah. Parang nababaliw lang ako kanina kung irereveal mo sa huli yung pangalan nung dreamgirl na to. hahaha. THis is really your world! Hahaha.
Wowoweee! Nayari mo ko dun pre.. Hahaha. Very good!=++,)...
To Hydee Lopez:
Salamat sa muling pagbisita. Hehe. From time to time, I train myself to shift my pen. Mabuti't nagustuhan mo.
To me-ann:
Hehe. Buti naman nakabisita ka na... Sige, abangan kita ah.. Salamat!
To tintastic:
Hahaha. Binibigyang pansin ko naman ah.. ayeee.. Hehehe.
To Nano:
"May mga bagay lang talaga sigurong kahit anong pilit nating pangarapin ay hindi kailan man mapapasatin. Nakakalungkot." - Sang-ayon ako.
...at nakigatong siya, hahaha.
To fionski:
flirtation ang dating. Hehehe. Sino una mo naisip?? Napaisip tuloy ako bigla.
To brokendamsel:
I see. Nacatch pala!:D
To hugo gonzales:
Thank you. "a great flirtation feature story" - Hehehe.
To railey:
Hindi ko irereveal. Secret. hahaha. Salamat!
To keote:
Pre, yari ka!! Nyahaha. :D
Are you a business man or woman? Do you need funds to start up your own business? Do you need loan to settle your debt or pay off your bills or start a nice business? Do you need funds to finance your project? We Offers guaranteed loan services of any amount and to any part of the world for (Individuals, Companies, Realtor and Corporate Bodies) at our superb interest rate of 3%. For application and more information send replies to the following E-mail address: standardonlineinvestment@gmail.com
Thanks and look forward to your prompt reply.
Regards,
Muqse
Post a Comment