Wednesday, July 16, 2008

Interconnectedness

“Kaya hindi nawawalan ng katwiran, hindi nawawalan ng dahilan dahil bawat isa ay kawing ng iba pa. Ang pinaghuhugutan ng lakas ng isang mahina ay ang sandigang matibay na dating mahina. Unti-unti, pinalalakas natin ang bawat isa sa hindi mapapansing galaw. Ito ang buhay, at hindi natatapos ang buhay sa pagsasagisag ng mga salita. Ayaw nating nakakahon, gusto nating lumaya...”

Ang pag-aaral sa lipunan ay tuloy-tuloy, dinamiko at nagbabago. Sa napakalawak na sakop nito, ngayon ang pinaka-angkop na panahon upang tingnan ang bahaging kinapapalooban ng lahat ng may buhay, sariwain ang mga isyung pangkalikasan at magnilay kung aling bahagi ba ng ating sarili ang naibahagi natin sa kalikasan? – sa kalikasang pinagkukunan natin ng natatanging yaman.

Sa panahon ng kawalang katiyakan, maraming mga bagay ang naisasantabi. Maraming mga buhay ang nakukompromiso. Ito ay isang pagsubok – kung tayo ba ay kikilos upang bigyang ayuda kundi man solusyon ang laganap na krisis sa ating kapaligiran o ipagkikibit balikat na lamang natin ang mga ito.

Kung susuriin, ang patuloy na pagbabago sa kapaligiran ay dulot ng mga atrasadong hakbangin ng mga taong pabaya, walang pakialam at nagnanais isulong ang pansariling interes at hindi ang kagalingang panlahat. Sa napakaraming problemang kinakaharap ni Mang Juan, hindi na nito malaman kung saan pa huhugot ng enerhiyang magbibigay solusyon sa lumalalang isyung pangkalikasan. At, dahil tayong lahat ay gumagalaw sa iisang kapaligiran, mahalagang malaman natin ang mga hiling at hinaing nito. Ang paksang ito ay hindi lamang limitado sa laban ng Inang Kalikasan bagkus masisilayan ang mga kagyat na epekto nito sa napakaraming aspeto/sektor ng lipunan.

Sana’y hindi pana-panahon lang ang pakikibaka para sa laban ng kalikasan dahil ang laban ng kalikasan ay laban nating lahat.

7 comments:

Ienne said...

Sabi nga ng Kalikasan-PNE,
"The struggle for the environment is the struggle for the people."
:)

Railey! said...

“Kaya hindi nawawalan ng katwiran, hindi nawawalan ng dahilan dahil bawat isa ay kawing ng iba pa. Ang pinaghuhugutan ng lakas ng isang mahina ay ang sandigang matibay na dating mahina. Unti-unti, pinalalakas natin ang bawat isa sa hindi mapapansing galaw. Ito ang buhay, at hindi natatapos ang buhay sa pagsasagisag ng mga salita. Ayaw nating nakakahon, gusto nating lumaya...”

-- this summarizes what interconnectedness is all about. At the very least, man should know the current plight of the envt., consumption now outweighs the natural growth of resources...

Anonymous said...

I agree. E kung sa dinamidami ng polisiyang tututok sa sustainablity.. ay, siguro, kaya pa malampasan ang krisis na to.

I;m talkng 'bout strict implementation of policies. Tsk Tsk.
- 9:05p

Anonymous said...

Yun na nga!..

Kaya lang minsan, tayong mga tao rin ang pumuputol sa ugnayang sinasabi mo.

Nice One. An Eye-opener.

xchastine said...

green activist? nice! tama, tumulong tayo. maganda ang epekto sa atin ng 127 :)

P O R S C H E said...

To railey:
yes, sustainability is being traded off.

To Hugo:
Sorry for misspelling your name. Kaso, medyo bulok ang sistema ng ehekutibong sangay ng pamahalaan na siyang may pananagutan sa pagpapatupad ng mga pangkapaligirang polisiya. Real checks and balances is the key to sustainable development :)

To brokendamsel:
hindi pa huli upang ibalik ang koneksyon sa mga ugnayang ito. Sa bawat diskoneksyon, may nabubuong bagong koneksyon. Salamat!:)

P O R S C H E said...

To noongmalapad:

Naman! Nakatutulong! Interesting ang mga topics, to be fair. :) Green activist? hindi pa naman, kung oo man, kahanay o mas mababa pa sa shallow activism..

To iennethegreat:

Yes, i agree with Kalikasan-PNE's advocacy. :)Thank you!