Saturday, July 12, 2008

Free Taste

Sa mall, sa grocery at sa iba pang lugar pamilihan, mapapansin ang pangunahing gawi ng mga parokyano, konsyumer at ng mga usisero. Bukod sa pangingilatis sa mga produkto, at masusing pag-iisip ng pinakamainam na bilihin mula sa iilang papel at barya, mapapansin ang pagkilos na ito. Tunay ngang mahirap maisakatuparan ang badyet iskedyul.

Kadalasan, humahaba ang pila sa isang bahagi ng grocery. Minsan, umaabot sa istol ng ibang produkto. Akala ko kung anong mayroon. Napapalinga ako habang napapansin kong humahaba ang leeg ng mga taong nasa bandang likuran ng pila upang makita kung ano na nga bang nangyayari sa kanilang inaantay. Mababa sa anim na tao ang nakita ko noon -- hinihintay maluto, hinihintay kumulo, hinihintay uminit at sa huli'y inaasam na maisilbi sa pamamagitan ng toothpick, basong disposable, plastik na platito at kubyertos, styro at kung anumang bagay na pwedeng paglagakan ng mga piraso ng ipinakikilang produkto, na sa napakaraming pagkakataon ay panglaman-tiyan.

Alam natin na ito ay isang bahagi ng promosyon. Subalit, mas nakita ko ang larawang hindi ko inaasahan. Tila may ipinababatid sa akin ang patuloy na paghaba ng pila -- mga nakapilang madalas na binubuo ng matatanda, bata at uring hiwalay sa may-kaya.

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado, ang libreng tikim ay mapag-titiyagaan na para sa kumakalam na sikmura -- kaysa sa wala.

Ang libreng tikim ay ayos na para malasahan man lang kahit sa ilang sandali ang produktong hindi kayang bilhin.

Sa libreng tikim, hindi ko na nakikita ang mamimiling nais lamang subukin ang lasa ng bagong produktong pagkain. Mas nakikita ko na ang mga mamamayang sinasamantala ang pagkakataong malasap ang anumang bago -- kahit man lang sa limitadong panahon. Ang iba, bumabalik pa.

Kung ganito na ang kalakaran ng libreng tikim, mas nakakasabik lamang para sa iba ang pagpapatikim ng produktong hindi naman kayang bilhin. Sa puntong ito, ang tanging rason ay umiikot sa -- "Mabuti na ang mayroon (kahit kaunti lang) kaysa sa wala" o kaya nama'y "Mabuti na rin ito, kasi libre naman!"

Sa mekanismo ng free taste nasilayan ko ang kasalukuyang anyo ng karaniwang mamimili sa ilalim ng mapanghamig na merkadong kapitalista.

Sa kapirasong walang kasiguruhan -- Pinaghihintay. Pinatitikim. Pinasasabik.

9 comments:

Ienne said...

In an economy where inflation rates are rapidly increasing, anything free is very much appreciated.

This post is wonderful, I must say.
@_@

Railey! said...

Napakahusay. Penge namang utak o. Hahaha..

yfur porsche p. fernandez said...

Thank you very much Ienne!
Salamat din sa pagbili ng gamot ko!:)
Maraming Salamat!

yfur porsche p. fernandez said...

To railey:
Papaano mo makukuha? Paano ko maibibigay? :)

No one can perform your role better than yourself. :)

Ienne said...

Well, I just can't afford to lose my chief correspondent. Wahaha.
You're welcome!

noongmalapad said...

naaalala kita sa tuwing may free taste. aww. ang sweet ni ienne :)

yfur porsche p. fernandez said...

"naaalala kita sa tuwing may free taste." - hahaha.. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dito.:D

Ou nga eh.. sweet! :)

Railey! said...

No one can perform your role better than yourself. - Thanks for this thought:D

yfur porsche p. fernandez said...

Walang anuman.:)