Kadalasan, humahaba ang pila sa isang bahagi ng grocery. Minsan, umaabot sa istol ng ibang produkto. Akala ko kung anong mayroon. Napapalinga ako habang napapansin kong humahaba ang leeg ng mga taong nasa bandang likuran ng pila upang makita kung ano na nga bang nangyayari sa kanilang inaantay. Mababa sa anim na tao ang nakita ko noon -- hinihintay maluto, hinihintay kumulo, hinihintay uminit at sa huli'y inaasam na maisilbi sa pamamagitan ng toothpick, basong disposable, plastik na platito at kubyertos, styro at kung anumang bagay na pwedeng paglagakan ng mga piraso ng ipinakikilang produkto, na sa napakaraming pagkakataon ay panglaman-tiyan.
Alam natin na ito ay isang bahagi ng promosyon. Subalit, mas nakita ko ang larawang hindi ko inaasahan. Tila may ipinababatid sa akin ang patuloy na paghaba ng pila -- mga nakapilang madalas na binubuo ng matatanda, bata at uring hiwalay sa may-kaya.
Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado, ang libreng tikim ay mapag-titiyagaan na para sa kumakalam na sikmura -- kaysa sa wala.
Ang libreng tikim ay ayos na para malasahan man lang kahit sa ilang sandali ang produktong hindi kayang bilhin.
Sa libreng tikim, hindi ko na nakikita ang mamimiling nais lamang subukin ang lasa ng bagong produktong pagkain. Mas nakikita ko na ang mga mamamayang sinasamantala ang pagkakataong malasap ang anumang bago -- kahit man lang sa limitadong panahon. Ang iba, bumabalik pa.
Kung ganito na ang kalakaran ng libreng tikim, mas nakakasabik lamang para sa iba ang pagpapatikim ng produktong hindi naman kayang bilhin. Sa puntong ito, ang tanging rason ay umiikot sa -- "Mabuti na ang mayroon (kahit kaunti lang) kaysa sa wala" o kaya nama'y "Mabuti na rin ito, kasi libre naman!"
Sa mekanismo ng free taste nasilayan ko ang kasalukuyang anyo ng karaniwang mamimili sa ilalim ng mapanghamig na merkadong kapitalista.
Sa kapirasong walang kasiguruhan -- Pinaghihintay. Pinatitikim. Pinasasabik.
10 comments:
In an economy where inflation rates are rapidly increasing, anything free is very much appreciated.
This post is wonderful, I must say.
@_@
Napakahusay. Penge namang utak o. Hahaha..
Thank you very much Ienne!
Salamat din sa pagbili ng gamot ko!:)
Maraming Salamat!
To railey:
Papaano mo makukuha? Paano ko maibibigay? :)
No one can perform your role better than yourself. :)
Well, I just can't afford to lose my chief correspondent. Wahaha.
You're welcome!
naaalala kita sa tuwing may free taste. aww. ang sweet ni ienne :)
"naaalala kita sa tuwing may free taste." - hahaha.. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dito.:D
Ou nga eh.. sweet! :)
No one can perform your role better than yourself. - Thanks for this thought:D
Walang anuman.:)
Are you a business man or woman? Do you need funds to start up your own business? Do you need loan to settle your debt or pay off your bills or start a nice business? Do you need funds to finance your project? We Offers guaranteed loan services of any amount and to any part of the world for (Individuals, Companies, Realtor and Corporate Bodies) at our superb interest rate of 3%. For application and more information send replies to the following E-mail address: standardonlineinvestment@gmail.com
Thanks and look forward to your prompt reply.
Regards,
Muqse
Post a Comment