Nakadalo ako sa isang alternatibong pamamaraan ng diskusyon sa klase at ang paksa sa pagkakataong iyon ay Social Aging. Doon ipinakita ang ilang tagpo kung saan nailalarawan ang penomenon sa pagitan ng social aging at media.
Ang asersyon ng tagapag-ulat: naiimpluwensyahan ng media ang persepsyon ng tao sa kung ano ang dapat maging batayan ng kagandahan at kabataan. Inilulunsad ng media ang stimulo upang pag-isipan ng masang manonood ang kondisyong magpapatibay na ito ang tunay na sukatan ng kung anuman. May punto ang argumentong ito, ngunit tingnan natin ang isang pagtingin na kinasasangkutan ng media at ng advertising.
Media at advertising. Nararapat nating linawin ang hangganan ng dalawa.
Ang media ay binubuo ng print, broadcast, mass, news at anu pa mang elementong may kakayahan upang itawid ang mensahe sa isang channel, gamit ang isang midyum. Ang mga broadcast network / TV Stations / radio stations at iba pang himpilan ay broadcast, news at mass media sapagkat sila ang may behikulo upang ipabatid ang impormasyon kailangang malaman ng publiko - gamit ang mga broadcast equipment tulad ng OB van (out broadcast van), SNG (satellite news gathering), mikropono, radyo, kamera at ang mismong broadcast journalist/commentator/etc. Sa kabilang banda, media rin ang tawag sa Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, Manila Bulletin at iba pang pangunahing pahayagan sa bansa, kasama na ang magazines (politikal man o showbiz) at kabilang sila sa tinatawag na print media. Samakatuwid sila ang may kapangyarihan at may awtoridad upang ipalaganap sa pinakamabilis na paraan (means) ang mga pampublikong impormasyon.
Ang advertising ay ang pangkalahatang pamamaraan ng panggaganyak sa publikong komersyante ukol sa isang produkto, pangyayari o anumang bagay na nangangailangan ng "promotions." Isinasagawa ito sa iba't ibang stratehiya o dulog kabilang ang paggamit ng sikat na persona, jingle, pagiging eksaherado at iba pa. Sa paanong paraan? Sa paggamit ng media, sa lahat ng kauri nito kabilang ang Internet, print, visual/TV, radyo at iba pa.
Sa kaso ng paggamit ng media sa advertising upang ipakita ang batayan at ideya ng "aging", kabilang na ang paggamit sa mga artista sa public ads, dala ang isang mapanghamig na story line, may dalawang truth theories na inilahad sa diskusyon:
________________
*Kahit sa kursong Mass Communication, iba ang distribusyon ng majors, may pagkakataong mamili ang mga estudyante sa advertising, broadcasting at writing. Nag-iiba lang ang katawagan, kung hindi man nilalahukan pa ng ibang kategorya.

"Marapat nating isipin ang pagtingin na ito: na ang media at advertising ay hindi mapaghihiwalay na ideya, ngunit, magkaibang konsepto. These are inseparable ideas but they are not the same."
Sa kaso ng paggamit ng media sa advertising upang ipakita ang batayan at ideya ng "aging", kabilang na ang paggamit sa mga artista sa public ads, dala ang isang mapanghamig na story line, may dalawang truth theories na inilahad sa diskusyon:
- social learning
- people's perception of reality (what is perceived by the majority)
________________
*Kahit sa kursong Mass Communication, iba ang distribusyon ng majors, may pagkakataong mamili ang mga estudyante sa advertising, broadcasting at writing. Nag-iiba lang ang katawagan, kung hindi man nilalahukan pa ng ibang kategorya.
8 comments:
Long time no comment.. hahaha.
it's advertising.:D
Sa puntong iyong inilahad, oo, sa advertising maiuugat. Dahil ang kabuuang ideya ay sa advertising, ang sa media ay ang pagpapadaloy nito.
Sa kabilang perspektibo, ginagamit din ng media ang advertising para ipromote ang kanilang sarili (eg tv stations)
it's advertising and media. since they sort to have a connivance with each other. but as to the idea (of what people should think of what is beautiful) it's advertising alone.
sa advertising kapatid.
i have my blog now. haha.
Advertising yan!:D
Wow congratulations! yougo! hehe. hugo. Welcome to the blogosphere!
SA INYONG LAHAT:
Pasensya na kung nahuli na ako sa pagkomento.:C Toxic kasi sa acads. Hehe. Maraming Salamat sa inyo!:D
BOOM!!
Post a Comment