"Hindi kami madalas magkita ng kaibigan kong 'to. Pero, kapag dumarating siya, agad kong naililista sa aking talaarawan ang mga pangyayari kung kailan kasama ko siya. At, sa araw na ito mismo, nakasama ko na naman siyang muli."
Inaantay kong tumawid ang pinakahuling araw, upang sunduing muli ang kaibigang kong ito. Kasabay nito, nabatid ko ring mag-iisang taon na ako sa blogosphere.
Masaya ako at ganoon din ang iba. Kahit mahirap para sa akin ang salubungin siya dahil sa mga panahong 'yon ay tambak ang kwises, eksam, reports at iba pang kahilingan sa iba't ibang kurso, nakakatuwa pa rin dahil hindi siya nagtatampo. Pinakikisamahan namin ang bawat isa. Antayan lang. Aalis. Darating. Aalis. At muli na namang magbabalik.
Sa tuwing dumarating siya, hindi ko maiwasang magbalik- tanaw sa mga nakaraang taon. Lagi. Si Ver, ang nagbibigay simbolo sa kaligayahan ko at maaring sa iba pa naming kaibigan. Sa kanya ko natututunan ang diwa ng ilang mahalagang pangyayari na may kaugnayan sa aking relihiyon, pag-unlad at pagbabago.
Siyempre pa, nalalapit na naman ang kaarawan ng isang kaibigan. Marami kaming pupuntahang lugar at kaarawan. Napakarami pa naming plano, sa susunod, ipagpapatuloy pa rin namin ang pagpunta sa mga kaarawan ng iba't ibang tao.
Nakakapagtaka lang talaga dahil batid siya ng napakaraming tao. Pero, sa pagmumulat sa akin ng mundo, naunawaan ko na rin kung bakit. Sa iba, marami ang dapat ipagdiwang. Sa iba, anibersaryo ito. Sa iba isang hudyat ng mas mahaba pang serye ng kasiyahan. Sa mga susunod na araw, ako at si Ver ay pupuntang MULI sa paliparan. Ihahatid namin ang tatay ko at ang (halos) kapatid kong si Maw. Kasabay ng labinlimang araw ng pamamalagi ni Ver ay ang pag-alis naman ng dalawang karaniwan kong dinaratnan sa bahay. Malungkot ang mga susunod na araw pagkatapos 'nun. Pero, alam kong paliligayahin pa rin ako ni Ver. Sasamahan ako ni Ver sa pagtatapos ng eksams, sa pagpili ng panibagong mga asignatura, pagkuha ng klaskards, pag-eenrol, pag-eenjoy sa sembreak, paglalakwatsa, at marami pang iba!

Tapos, dadalawin namin ang mga namatay kong kamag-anak, na akalain mong kilala niya rin. Tapos, magdiriwang kami ng Pasko! Pipiliting kong maging masaya, kahit wala ang aking mga magulang. Maliban na lang kung sasang-ayon sa akin ang pagkakataon na doon ako mag-Pasko.
Hindi ako matatakot mamatay sa piling ng kaibigan kong si Ver. Lahat na ng uri ng emosyon ay naipapakita niya. Lahat ng mga pagbabago sa akin, nasaksihan niya. Kararating niya lang, kanina. Hudyat ng amoy puto-bumbong, bibingka, kasiyahan, pagtatapos at pagbubukas ng semestre. Pasko. Si Ver, ang kaibigan ko. Kaibigang hindi ako iniwan sa napakaraming panahon. Si Ver ang nagsisilbing hudyat ng pagiilaw ng mga daan at ng iba pang disenyong nagliliwanag.
Kaya lang, hindi ko siya nakikita. Nararamdaman lang. Nararamdaman ko na siya. Kasabay ng pagpunit ko sa kalendaryo ng buwan ng Agosto, napansin kong muli ang hudyat. Napansin kong pare-pareho na ng apelyido ang mga sumunod na buwan. Maligayang pagbabalik sa isa kong matalik na kaibigan. Pinunit ko na ang Agosto. Sa pagpasok ng SeptemBer 1, ay ang eksaktong pagdating ni Ver.
Ikaw, kaibigan mo rin ba siya?
6 comments:
Hahaha! Funney!! Si Ver?? Naman!:D Merry Christmas kamo. Haha
What the!! haha. So, it's ber month. Yes... kaibigan ko rin siya!
hihihi...bErrr...
Kaya lang, hindi ko siya nakikita. Nararamdaman lang. Nararamdaman ko na siya. Kasabay ng pagpunit ko sa kalendaryo ng buwan ng Agosto, napansin kong muli ang hudyat. Napansin kong pare-pareho na ng apelyido ang mga sumunod na buwan. Maligayang pagbabalik sa isa kong matalik na kaibigan. Pinunit ko na ang Agosto. Sa pagpasok ng SeptemBer 1, ay ang eksaktong pagdating ni Ver.
Ikaw, kaibigan mo rin ba siya?
-- I like this!
To hydee lopez: Nasabi ko na, Merry Christmas din daw!
To brokendamsel: Good for you..
To fionski: BBRRRRRRR...
To pinoytektek: Maraming Salamat.
Sequel na. hahaha.
:D
Happy berr month/s.
Post a Comment