Kung may isang bagay na hindi mo dapat kaligtaan saan ka man dalin ng ‘iyong mga paa.
Kung may isang bagay na minsan mo nang sinabing hindi ka mabubuhay ‘pag wala ito.
Kung may isang bagay na nais mong palitan sa syota mo maliban sa apelyido niya.
Kung may isang bagay na sana non-detachable, ano kaya ito?
“Mapanga, maraming kanto sa mukha, sa sobrang dami ng kanto sa mukha mo, kulang na lang ang tambay.”, ganito na lamang ang panunuya ni Lolo Putol sa isang dalagitang apo na walang tigil sa katetext. Walang tigil sa kapipindot sa pudpod na keypad ng cellphone. Marahil ito na nga ang bagay na hindi makakaligtaan ng apo saan man pumunta. Isang malabong paghihiwalay ng nais at pangangailangan.
Pero, si Lolo Putol na makikita na ang kulubot sa noo at katawan, may isang bagay na hindi niya pwedeng makalimutan. Hindi ang pustiso niyang nakalublob sa kalahating baso ng tubig. Hindi ang antipara para sa malabong paningin. Hindi ang maglagay ng pamada para swabe ang dating. Kundi ang karugtong ng kanyang dalawang paa na gawa sa pinagsama-sama at tinunaw na tin cans. Bitbit niya kahit saan pati sa pagtitinda ng dust pan sa bangketa.
6 comments:
Wow! This is touching!!! You rule again... Too bad for me.. huh., hehehe.
Sadyang may mga bagay na akala natin importante na yun pala hindi pa... tsk. tsk.
wuhoo!
... uu... i miss reading articles.. back in manila, this usual image of jeopardy can clearly be seen.. actually, kahit sa mga batang nagpupunas ng sapatos.
Hmm.. cellphone at pera? hmm. luho pa rin.. ang hirap naman nito e.. lalo na kung hindi ka sanay ng wala ang mga ito sa paligid mo..
awakening.
To hugo: hehehe. no, no, no. we rule!
To hydee: tama ka.
To anonymous: yahoo! yehey!
To broken damsel: wow, umalis ka pala.. san ka galing? yes, of course, the usual image of jeopardy...nakikita rin sa mga bata.
To railey: that's it. that's the point.
Post a Comment