Saturday, October 11, 2008

Bilyar

Walong bola ng bilyar pa ang natitirang nakakalat sa kulay luntiang mesa. Isama mo ang puting bola na siyang bubuo sa siyam. Naipasok na niya ang isa.

Ang isa, may angas ang kada tira. Tila sa bawat pagpitik ng tako, pihadong pihadong pasok ang mga tira. Para bang sa bawat banda ng pamatong bola, tiyak na may kalalagyan ang kanyang birada. Tila nakabisado na ang kapal ng tisa na dapat ikuskos sa tuktok ng pantira. Tila kabisado na ang istilo sa pagbanda ng isang bolang hahagip sa isa pa.

Ang isa, mitikuloso – sinisigurong ang lahat ng tira ay papatos ng numero. Sinisilip ang bawat anggulo. Tinatantiya ang madulas na paggulong ng bola, na siyang sasalpok sa tinutumbok niyang numero. Tila bang ang kada tira ay may kaakibat na kung anong uri ng (equation) tumbasan. Minsa’y gumagamit ng tirerit, isang giya para sa panalong anggulo.

Sino ba ang lamang sa dalawa?

Kung ang buhay ay maihahambing sa isang bagay. Isa sa napakaraming posibleng hambingan ay ang larong bilyar.

Minsan kailangan natin ng lakas ng loob upang harapin ang hamong kinakaharap natin. Iba pa ang reverse psychology sa kalaban. Ika nga, take the risks, take the consequences. Minsan naman, aminin man natin o hindi, kailangan pa rin natin ng mga giya o gabay (magulang, kaibigan, guro, nakatatanda, atbp.) na siyang tutulong sa atin -- sa pagpapaunlad ng ating mga sarili o kaya naman, pagbangon muli mula sa masaklap na pagkakadapa.

Sa dalawang bagay na ito, may isang tiyak na dibuho ang mahihinuha mo. Ang buhay ay parang bilyar, kailangan ng istratehiya, kailangan ng taktika. Kung minsan, maaring sinusuwerte ka, hindi rin naman maiiwasan ang pag-asa mo sa tsamba.

Ang buhay ay parang bilyar, hindi uubra kung tira lang ng tira – nilalakipan din ng utak, ng kakayahan, ng pagsisikap, ng praktika. Ang buhay ay parang bilyar, nararapat nating malaman ang hangganan ng bisyo at libangan.

7 comments:

xchastine said...

para akong nagbasa ng tula. rhyming kasi. nice :)

Anonymous said...

Are you aware of the rhetorical poem. Well. that's it. Very good!

Anonymous said...

haha.... yung mga adik sa bilyar, ibig sabihin hindi alam ang pagkakaiba ng needs and wants.. jowk. hehe.

Anonymous said...

very nice! that's all.

Railey! said...

"Ang buhay ay parang bilyar, hindi uubra kung tira lang ng tira – nilalakipan din ng utak, ng kakayahan, ng pagsisikap, ng praktika. Ang buhay ay parang bilyar, nararapat nating malaman ang hangganan ng bisyo at libangan."

well said!

P O R S C H E said...

To noongmalapad:

haha. hindi naman sadya yun. ayee! nice, kasing nice mo :)

To hugo:

Yes. Galing a. May ganon pa lang mga term. hehe.

P O R S C H E said...

To hydee:

Siguro nga.. ewan ko.. e, parang ako rin yata, hindi ko rin alam. haha.:D

To railey and broken damsel:

Salamat ;)