Ginawa kong
Takip silim at nakahanda nang yakapin ng dilm ang kalangitan. Ibang iba ang obrang nais ipamalas ng lugar na ito. Hindi mailagay sa isang tono ang mararamdaman sa oras na masaksihan kung paano nagpupumiglas ang liwanag sa unti-unting paglamon ng dilim.
Hindi katulad ng nakaugalian at hindi tulad ng karaniwang nakikita sa mga larawan, hindi namin sinubok ang bagsik at kahambugan ng Haring araw. Sadyang naiba ang paglingap sa araw na ito, hanggang sa nakita ko ang aking sarili sa gitna ng buhangin at ng naglalambing na kahamugan ng gabi.
Nakatanaw ako sa walang katapusang dibuho. At ang tanging alam ko na lamang ay ang paghahanap at pagsusumamong kagyat na maisulat ang mga bagay na ito; sapagkat tulad ng takipsilim handa na ring iluwa ng tinta ang bumubugsong diwa na pawang sabik sa bawat panibagong paglaya.
Alam kong matatagpuan ko pa rin ang katulad na tanawin sa ibang lugar, sa iba’t ibang pagkakataon, sa ibang anggulo o sa ibang paraan. At, hangga’t kasama ko sila sa paglalakbay, hindi ako mawawalan ng enerhiya upang magsulat, sumulat o isulat ang mga pirasong tulad nito – sa mga salitang hindi nagpapanggap upang ilarawan ang kaligirang ito; sa mga salitang hindi ambisyoso upang ikahon ang pambihirang likha kung saan nabighani ako.
Sa nalalabing oras ng pananatili sa islang nababalot ng puting buhaghag, nasilayan kong muli ang sabay sabay na pasiklaban ng mga bituin na tila nakaluklok sa isang tiyak na pedestal. Nagmistulang uyayi ng ina sa aking pandinig ang paghaplos ng alon sa dalampasigan. Muling nagpaparaya ang bawat elemento ng kalikasan. Ang payapang hamog ay sinasaliwan ng hindi matatawarang himig ng karagatan. Napag-iisa ang mga magkakaagapay na alon ng isang likas na ritmo.
Iisa ang narinig ko sa paghampas ng tubig sa lupa, at naisasantabi ang hangganan ng bawat isa. Hindi ko rin makakaligtaan ang mapanghalinang awra ng mga tao. Isang musikang walang pagpapanggap. At, sa paggulong ng tinta sa papel, patuloy ko pa ring nararamdaman ang pang-aakit ng hanging tumatagagos sa balat. Ang aroma ng ihawan mula sa nagbabagang uling ang mas lalong nagpapatingakad ng kaibhan nito sa ibang lupaing nasasakdal ng pang-aalipin.
Kumilos akong sandali upang labanan ang paghamak ng dilim sa akin.
Sa puntong ito, nabatid kong hindi nga nakapagtatakang dinarayo ito ng turista.
Hindi rin naman nakapagtataka kung bakit ganoon na lamang ang paghanga ng mga tao sa lipunang bilanggo ng kalunsuran.
Puerto Galera, Oriental
8 comments:
ang ganda ng lugar na yan ah :)
"i am permanently in love with this place."
:D
Haha! it's like a script!!! more pics more pics!!! :D
WOw!!! nice nice nice... i'll hire you kung nasa DOT ako.. haha.
wow! ang ganda nga talaga jan!
....wala ko masabi.. maganda talga jan! yey, sembreak na!!!!!!!!
To noongmalapad:
Yes, me too. parang narinig ko na yan! hahaha:D sa uuliten.
To hugo gonzales:
haha.. sige, i'll try to upload more photos in my friendster acct...
To anonynous:
Weh?? Hehehe.. Sige nga.. Magkano? Joke lang! Salamat, :D
To tektek:
Ikaw ba sa pinoytektek? hehe. Ou, grabe ganda.
TO hydee:
Yes. yes! Sembreak na!!!! Relax relax!:D
WOw! nag-gale ka! sosyal! hahaha.
Post a Comment