"Ang kasabikang makatapak sa buhangin ng Puerto Galera sa Oriental Mindoro ay napalitan ng pagbatid sa mga bagay na maaring lantad nga ngunit hindi napapansin."
Commercialization. Marahil, para sa mga urban at tourist people, maliban sa rikit ng isla, ito agad ang makapupukaw ng kanilang interes. Narito ang komersyalisadong hanay ng mga restaurant, souvenir shops, henna, permanent tattoos stalls at marami pang ibang pampasalubong. Hindi na maaawat ang paglago ng mga entertainment exclusives, ihawan, pizza parlor at iba pang lugar aliwan upang pasiglahin ang night life rito.
Subsistence Economy. Sa pag-upo ko sa kalawakang iyon, napansin ko ang isang ilaw mula sa di kalayuan. Bagaman nagdadalawang isip, mas nasuyo akong lumapit sa dalampasigan nang natiyak kong patungo nga sa pampang ang ilaw na iyon. Sa pambihirang pagkakataon, napag-alaman kong ang ilaw na iyon ay mula pala sa isang grupo ng mga mamalakaya na sinubok ang mapangahas na gabi at nagbalak na manghuli ng mga lamang-dagat upang ibenta sa pamayanan. Napansin kong unti-unting kumakapal ang kumpol ng mga tao, hanggang sa ang tanging maririnig ay tawaran sa mga parehong malalaki at maliliit na isda. Maya maya pa’y ubos ang napakyaw na huli.
Hagis Barya. Mahuhusay lumangoy ang kabataan rito. Dahil sa malambot ang buhangin ng Galera, isang metro mula sa dalampasigan ay malalim na. Sa aking paghihintay sa bangka, sumampa ang ilang grupo ng kabataan na dahil na rin sa marahil sa tindi ng sikat ng araw ay nangitim. Gamit ang talento sa paglangoy at pagsisid: “Kuya, hagis barya kayo diyan!”. Ang baryang inihagis mo sa may kalalimang bahagi ay pandagdag na sa kabuhayan nila.
Sales Talk. Sa gitna ng init ng araw, napakaraming mga manininda o naglalako ng mga produkto at serbisyo ang masasalubong sa isla. Prominente ang mga nagtitinda ng gawang kamay na anklet (maaring ipagawa ang pangalan), pendants na kabibe at iba pang shells, perlas at mga sea-inspired laces. May nanunuyo rin para sa snorkeling, diving, island hopping, banana boat, t-shirts, pants, shorts, sunglasses, pagsusulapid o pagtitirintas ng buhok (hair braiding) body massage at pati rin ang tickets pabalik ng Batangas Pier (main port pabalik ng Maynila mula sa Gale). Dahil sa pare-pareho ang ititinda, gayon din ay hindi nagkakalayo ang mga presyo, natatawaran pa, nasa pamamaraan na lamang ng panghahamig magkakatalo kung maisasarado ang transaksyon sa isang parokyano.
Trip na trip. Mas makabubuti kung grupo kayong pupunta rito para makakuha ng diskwento sa tutuluyang resort. Gayon din, mas mainam na magbaon ng pagkain matagal mapanis (i.e. prtio, adobo, atbp.) Bababa ng Buendia, sasakay ng bus na may signage na Calabarzon. Baba ng Batangas Pier at sasakay ng bangka papunta sa mismong isla. Maghanda ng P1,500 – 2,000 para sa swak na trip = room + transportation costs mula Buendia patungong Puerto Galera (with environmental and maintenance fee of P50.00) + mamili kung souvenir items o isang serbisyo. Magdala ng ID kung pasok sa discount rates (Student, Elderly, Differently-abled) upang makatipid. Kung nais maranasan ang , diving, island hopping, banana boat at iba pa, magbaon ng pocket money dahil may kamahalan ang mga ito. Mas makabubuti pa rin kung grupo upang makamenos.
_________________
9 comments:
CLap Clap Clap! There you go again, your social sensitivity... magkano naman ang binigay mo sa hagis barya? dito kasi si munte, yung mga nagtatapon ng basura na bata may flat rate. hahaha.
Ang gaganda ng pics a! Pati jan, di nakatakas ang social impacts. haha.
magaling. magaling. magaling. ahaha. ano ba yung political economy?
the third pic.. nice!
daan daan lang
-path
To hydee lopez:
Yun lang! Papiso piso lang.. kasi nakakaaliw tingnan yung mga bata mag-dive. mahuhusay! kaya piso piso... para mas maraming dive. hehe.
dito rin sa amin, may flat rate ang mga nagtatapon ng basura, 3.00php.. depende sa rami. partida yun!
To railey:
Salamat sa mga on-line photo portals.. nakalagay sila sa kredito ng lahok na ito.. dun ko sila nakita... social impacts.. why social consciousness?
To hugo:
Nice question. Political economy is the study of society according to its material conditions. It includes the 1. substructure (mode; relations of production,force) halimbawa: magsasaka at panginoong may lupa. pwersa: lupang sakahan, kalabaw, atbp.
2. superstructure: religion, culture, education, political aspect, among others.
Sa lahat.. kung gusto niyo pang mamulat sa lipunan.. bisitahin niyo ang blog ni Diwang Palaboy: "jk22b.blogspot.com" Salamat!;)
Kina anonymous:
I agree. puntahan mo yung portal sa baba ng entry... marami ka pa makikita dun.
Daan ka ulit, anytime:)
Okay. thanks!
Post a Comment