Friday, October 03, 2008

Kilometer Zero

Minsan kung sino pa ang taga-Maynila, sila pa ang hindi nakakaalam o di naman kaya ay walang pakialam sa kasaysayan nito -- maging ang mga mahahalagang tagpo at pangayayaring naganap dito. Hindi pa huli ang lahat upang masilayang muli ang kabuluhan ng mga monumentong nakikita mo sa kahabaan ng UN, Orosa at ng Luneta. Hindi natin nakikita ang mga rebultong ito nang walang dahilan. Bukod sa Japanese at Chinese Garden, marami pang dapat alamin sa Luneta.


Marahil ang alam lang ng iba ay, si Jose Rizal ang pigurang iyon. May hawak na libro, kasama ang ilang pang lilok na ipinapakita ang volunteerism at social responsibility. Alamin!


Hindi masyadong pansin ngunit nakita ko ang ilang bahagi ng katha ni Rizal sa kahabaan ng flower pots patungo sa mismong rebulto nito. Katapat ng matataas na flag pole ay ang dalawang sundalong nakahimpil nang higit sa anim na oras, binabantayan ang imahe ni Rizal. Marahil lingid sa kaalaman ng lahat, triumvirate ang tawag sa ganitong disenyo ng monumento. Hindi sa triumvirate na ito ang aktwal na lugar kung saan binaril si Rizal, ito ay makikita sa bandang kanluran kung nasa harapan mo ang monumento ni Rizal. Ang tawag sa lugar na iyon ay, "The Martyrdom of Dr. Jose Rizal” (Ang Pagkabayani ni Rizal). Sa partikular na lugar na iyon ng Luneta, makikita ang tagpong nakikita mo lamang sa pelikula. Mura lamang ang entrance fee. Sa pagkakataong nasilip mo iyon, tila isa ka sa mga taong nang-usisa at nakasaksi kung paano barilin ng mga sundalo si Rizal. Sa kinalalagyan ni Rizal nakaukit sa tableta ang mga pariralang nagsasaad na doon bumagsak ang katawan ng pambansang bayani.


Sa hindi kalayuan, makikita ang Centennial Clock na pinasinayaan sa panahon ni Pangulong Estrada. Ito ay isang pagbibigay pugay sa mga mason noong panahon ng pananakop. Sa dalawang gilid, makikita naman ang dalawang kalabaw na siyang simbolo ng kasipagan at pagiging matiyaga. Ilang lakad pa ay matatanaw naman ang sinasabing rice plantation. At sa dulo nito, makikita ang pook-dasalan ng mga miyembro ng El Shaddai. Gaygayin naman ng ilang metro pabalalik, matatagpuan ang Kanlungan ng Sining kung saan tampok ang ilang imahe sa lipunan sa pinakamasisining na paraan. Hindi magtatagal at makikita na ang kapuluan ng Pilipinas na tila nakalutang sa katubigan. Ang landscape na ito ay tanaw ng mga mananakay ng LRT. Ang kapuluang ito ay susundan naman ng mga nililok na mukha ng ilang natatanging bayani ng Pilipinas na nakapalibot sa kabuuan – Diego Silang, Lapu-lapu (na may sariling rebulto na rin), Apolinario Mabini at marami pang iba. Bago marating ang kanto ng Pedro Gil, makikita ang Orchidarium kung saan pinalalago at pinananatili ang iba’t ibang uri ng orchids na matatagpuan sa buong Pilipinas. Samantala isang dyip naman gamit ang rutang tinatawag na Round Table, mararating naman ang Walls of Intramurosna isa ring lunduyan ng kasaysayan. Sa rutang ito, maaring matunton ang Pambansang Museo, Pambansang Aklatan at Planetarium.



Sa mga kapwa ko mag-aaral, hindi lamang ng Pamantasan ng Pilipinas, sana ay hindi lamang sa

Robinson’s o sa kahit anu pa mang lugar aliwan ang punta natin kapag may sobrang oras. Gawin nating kawiliwili ang mga oras na ito sa paggalugad sa mga lugar pasyalan at iba pang makasaysayang pook katulad ng Luneta. Basahin ang mga iskriptura sa mga tableta at alamin kung saan nagsimula ang lahat. Huwag lang puro GBox, Food Court o Time Zone ang atupagin, bahagi ng ating pananagutan na pandayin ang ating kaalaman sa mga bagay na ito, hindi na lamang bilang mga estudayante, kundi bilang mga Pilipino.

__________________

Ang Kilometer Zero ang siyang base point kung gaano kalayo ang isang lugar sa Maynila. Ito ay matatagpuan isang tawid mula sa monumeto ni Rizal.

9 comments:

Ienne said...

"Ang Pagpapakabayani ni Dr. Jose Rizal" instead of "Ang Pagkabayani ni Rizal"

Heroism yata yung pagkabayani :)

Anonymous said...

wow! nice pics! very educational!

Anonymous said...

A, eto yung 5.00 yata o 10 ang isa?

Anonymous said...

Nice! yes, yes. I will. Some other time.

P O R S C H E said...

To ienne: Yes. Yes. Pagpapakabayani it is.

To hydee lopez: Thanks. Hehe.

To pinoy tektek: P5.00 each. Punta na!

To hugo gonzales: Yes. Magkasama ba kayo ni pinoy tektek? or one and the same? halos magkapareho kayo ng oras.:D

nano said...

hey!i should have gone searching with you!huhu..sa susunod, pasama..
akala ko nasa city hall ang kilometer zero, mali pala ako!

P O R S C H E said...

okay.. let's try somewhere else, next time. If your time permits you...haha.

Railey! said...

First time ko nalaman, dun pala yun! Astig talaga!

Anonymous said...

tanong lang po: ung monumneto ba ni rizal sa luneta dun ba yun mismo ginawa or inimport lang?

from: zoe - ace of QC