Sa kabuuan, may labing-isang kahera ang branch na ito sa Escoda. Lima sa mga ito ay nakalaan para sa bill payment at ang natitira ay para sa customer care and other concerns. At, ako lagi ang nagbabayad ng bill namin.
Ang unang limang cashiers ay hahatiin pa. Ang cashiers 1 and 2 ay para sa single pay bill. Ang sumunod na dalawa ay para sa multiple pay bills. Ang ika-lima ay para sa mga senior citizen at differently-abled.
Sa aking tantsa, nasa daan ang tumutungo rito sa mga piling araw, tulad ngayon -- panahon ng pagputol at kabibigay lang ng disconnection notice sa napakaraming tahanan. Sa totoo lang, mababa sa 40 tao ang nakatenggang nakapila sa kada cashier.
Anu-ano nga ba ang dahilan kung bakit mahaba ang pila rito? Narito ang ilan:
- "Wala pa kaming pambayad nung binigay yung bill. Yung asawa ko, delayed yung sahod, kaya late niya rin ibinigay yung pambayad, (and so on)..."
- "Hindi no! Nakaugalian ko talaga na hintayin ang disconnection notice bago ako magbayad..."
- "Maliit pa lang naman kasi, kaya hindi ko muna binayaran."
- "Masyado na kasing malaki. E cash ang dala ko lagi, nakakatakot. At, baka mahirapan na ko magbayad."
- "Nagalaw ko kasi yung nakalaan/nakatabing pera rito dahil kasi... Peste! Nagkasakit si Junior, may kailangan akong bilhing gamot, pinang-opera ni Nanay, (and so on)..."
- "Pinagpabukas ko muna kasi, matagal pa naman ang deadline, hanggang sa naabutan na nga ako nitong kahabang pila..." (Manyana Habit)
- Ang pinakahuli, "Nakalimutan ko."
Maliban sa mga talastasang ito, mas napansin ko ang lohika ng mahabang pila mula bulwagan patungo sa labasan ng gusali. Box-Office. Parang may pila ng Pera o Bayong. Matiyagang pumipila ang lahat, kahit yung iba nag-iinit na ang ulo. Matatanda. Office girl. Pauwi galing trabaho. Papasok pa lang. Nanay na hindi maiwan ang paslit sa bahay. Si Tatay. Siyempre, mawawala ba naman si Inday. At estudyanteng tulad ko -- na naghihintay na madaanan ng de ribbon na printer ang bill, katunayang bayad na ako. Matapos ang bawat transaksyon, isang malalim na buntong-hininga para sa bawat isa.
Ang Meralco, ang pinakamaling electric distributor sa buong Pilipinas. Hawak nito ang pinakamalalaking plantang pampadaloy mula sa generator patungo sa mga kawad ng kuryente sa mga poste at huli, sa mga kabahayan sa Maynila at sa Greater Manila Area. Solo nito ang mahigit sa 22 prangkisa ng kuryente sa buong Kamaynilaan. At dahil nag-iisa lang at walang ibang ka-kompetensya, monopolyo nito ang pagpapadaloy, paglalagak o distribusyon at ang paniningil ng konsumong kuryente sa mayorya kundi man kabuuan ng lungsod (~20 lungsod, ~90 munisipalidad).
Maraming patakaran na ang isinagawa ng Meralco katulad na lamang ng panahunang pagtataas ng presyo ng kuryente sa sukat na kilowatthour. Sa lahat ng ito, naging sunud-sunuran lamang ang publiko. At masaya na tayo kahit man lang may 50 centavos roll-back. Sana alam ng lahat kung paano kinukwenta ang bill nila, kaya lang sa napakaraming pigura sa likod ng bill, hindi na ito inaalintana.
Maraming patakaran na ang isinagawa ng Meralco katulad na lamang ng panahunang pagtataas ng presyo ng kuryente sa sukat na kilowatthour. Sa lahat ng ito, naging sunud-sunuran lamang ang publiko. At masaya na tayo kahit man lang may 50 centavos roll-back. Sana alam ng lahat kung paano kinukwenta ang bill nila, kaya lang sa napakaraming pigura sa likod ng bill, hindi na ito inaalintana.
Bayaran mo ang bill versus brown-out, black-out... kadiliman.Simple lang, magbayad ka, may kuryente ka -- ganoon kaliwanag ang buhay para sa kanila. At alam naman natin kung ano ang mga pwedeng mangyari sa dilim - karahasan man yan o ang pagtatalaga ng bagong ambag sa populasyon ng Pilipinas.
Sa ganitong mekanismo, wala tayong pagpipilian.
Sabi nga, we are left with no choice -- than to pay.
Kaya pala mahaba ang pila sa Meralco.
May liwanag ang buhay.
Saan? #
6 comments:
Bakit ganon? OO, alam ko matagal na monopolyo ng Meralco ang electric distribution. pero ngayon ko lang narealize to, at ang koneksyon nito sa mahabang pila.
awakening.
Sa Meralco, May liwanag ang buhay.
Somehow Ironic for me.
For them to satisfy the public with the nature of their service?
But on the other hand, kung hindi sila sino?
Bayaran mo ang bill versus brown-out, black-out... kadiliman.Simple lang, magbayad ka, may kuryente ka -- ganoon kaliwanag ang buhay para sa kanila. At alam naman natin kung ano ang mga pwedeng mangyari sa dilim - karahasan man yan o ang pagtatalaga ng bagong ambag sa populasyon ng Pilipinas.
Kadiliman? hahaha. the humor. haha.
Hindi maliwanag ang buhay. :(
right.black or white lang.
To fionski:
Buti napadaan ka ulit fio:D brrrrr... hehe...
To hydee: Depende sa oryentasyon, para sa akin, kung sa socialism nagawa nilang isabansa (nationalization).
Post a Comment