Saturday, November 15, 2008

Frozen Throne

Marami pang lugar tulad nito.

Haligi nito ang malalaking gusali na nakahanay sa isang ambisyoso at marikit na ayos. Isang siyudad na ikinulong ng materyal na hangganan. Ang bawat biga ng mga haliging iyon ay binusog ng napakalaking halagahan ng berdeng papel. Isang maluhong mundo.

Pinagbibigkis ng iisang galaw ang mga bagay sa kaligiran nito -- ang galaw ng kalakalan at komersyo tulad ng nasusulat sa mga dyaryo't libro. Sa kabila nito ay ang ikinukubling mukha, ng pagtitingkad at ng tunggalian. Ang sabi ng ilan, hindi mo madarama ang pagpapahalaga sa lugar na ito. Kung meron mang bakas, ang isa rito marahil ay ang pagbibigay ng limos.

Nagmistulang lahat ay nakatuon lamang sa retablo ng salapi at pang-aangkin. Dito, ang titig ay nasa numero -- sa bawat zero na madadagdag sa pay slip ng empleyado. Sa bawat bagong patak tuwing panahon ng sweldo. Sa pag-aabang na mailapit ang sarili sa bulto ng aning, batayan nga ba ng pagtingin?

Nag-iiba lang sa kulay ng pananamit ngunit ito ay binihisan ng iisang balangkas o moda -- istilo ng pananamit na walang pakialam sa bihis ng iba, istilo ng pananamit na executive na maituturin, corporate sa iba kung tawagin.

Bagaman bukas sa lahat ng tao ang mga tindahan, parke, aliwan at lugar-parokyano, namimili naman ito pagdating sa pakikitungo, sa unang papansinin, sa unang hahandugan ng ngiti, peke man o hindi --

Sa kapwa-Pinoy at dayo,
Sa empleyado at kargador,
Sa naka-Rusty Lopez at naka-Marikina,
Sa naka-flipflop at naka-alpombra,
Sa naka Havaianas at Havana,

Sa pagitan ng bihis-Makati at...nakabihis.

6 comments:

Anonymous said...

Frozen Throne? Hehehe.. Making sense out of that digital word.. DOTA.

Aha.. di lang Makati, pati Manila, kaya lang mas sa Makati

Anonymous said...

Marami pa talagang lugar tulad nito!

Pero, sa mga shops/malls sa Makati,...Ayala, madals ako makaramdam ng discrimnation, and I agree, kahit sa kapwa ko Pilipino.

Anonymous said...

great blog, malalim.=)

have added your link already both in my blog and in my rss reader.

Anonymous said...

Naglalaro ako nun!

Tama! Tama! Ganyan nga sa Makati!

Kahit sa City Hall nila!

P O R S C H E said...

To profoundmatters:

Maraming Salamat po!

Anonymous said...

taga makati ako minsan.. minsan hindi. buti na lang hindi ako ganun. kasi sapul na sapul ako nitong entry na to if ever. hahahah..