Monday, April 13, 2009

Isa

Naging karaniwang tanawin ang pag-aaral na hindi nakakahon sa apat na sulok ng silid-aralan. Nilinang din ng aming mga propesor na hindi lang dapat hilaw ang pagpoproseso sa mga esensyal na kaalamang abot-kamay sa lipunan. Kasabay ng kahilingan ng kurso ay ang paghulma sa pampulitikang kamalayan. Bunga nito, unti-unting napaghihiwalay ang kaisipang burgis at kaisipang makabayan.

Nagiging maalab ang pakikisimpatiya sa batayang isyu ng lipunan. Sa simpleng mga parirala -- tumataas ang kamulatan. Kolektibong natutukoy ang pangunahing elementong nagtataguyod ng atrasadong sistema, habang ibinabandila ang mga esensyal na dapat panatilihin at igiit sa ipinapalagay na "demokratikong lipunan."

Eksaktong tatlong araw bago ang praktikum.

No comments: