Hindi maitatanggi ang hiling sa mga pampulitikang usapin. Dala ng pangarap na maging isang mamamahayag -- inuusisa at minamatyagan ang mga isyu; sinisigurong hindi nahuhuli sa pinakabagong pangyayari sa isang tiyak na panahon, kahit pa nakaamba ang rekisitos ng paaralan.
Sa unang taon sa pamantasang bantad sa aktibismo at aksyon, inilitag ng isang abanteng grupo ng kaguruan ang pundamental na konsepto, at hindi sapat ang isang semestre para rito. Masasabing, hindi malalim ang pagpasok nito sa kamalayan ng kapwa estudyante ng aking panahon. Bagaman may panahon upang makapagpanibagong-hubog, doble-kayod ang mga abante upang palalimin, palawakin at palakasin ang pwersa nito. Kahanga-hanga dahil ang ginagampanan nilang papel bilang komponente ng lipunang ito ay hindi lamang nakaikot sa pagiging aktibista at mamamayan -- sila rin ay estudyante, kapatid, anak at kung minsan pa'y magulang at asawa.
Dalawang araw, nalalabi.
No comments:
Post a Comment