Ekonomik, kultural, pulitikal at ang interaksyon ng mga ito sa bawat isa -- dito nailalarawan ang karupukan ng kasalukuyang sistema sa bansa. Binibigyang-diin na baog ang teoryang hindi nilalakipan ng praktika. Inilalayo sa makasariling interes at hinuhubog ang talino ng kabataan para sa kagalingang panlahat. Tinuruan kaming mamulat sa kultura ng tila "miniature" ng lipunang Pilipino -- ang Pamantasan. Pinuntuhan na hindi lamang "academic excellence" kundi may "social responsibility" din ang bawat estudyante nito.
Kapansin-pansin na sari-sari ang inaning reaksyon ng kapwa-estudyante buhat nang pumaloob sa kurso -- may tipong nais nang lumipat ng kurso, may mga may linya na at kulang na lamang sa pagkikinis at pagpapalalim. Mayroon din namang ngayon pa lamang natutunan ang kabuuan ng lipunan dahil sa ipinagkait ito sa kanila ng oryentasyon at uring kinabibilangan.
Isang araw na lamang.
No comments:
Post a Comment