Wednesday, April 15, 2009

PRAKTIKUM

Pagpapakumbaba. Pakikipamuhay. Paglubog. Pakikiisa.
Hanggang saan ako?


ni Propesor Roland G. Simbulan

Bawat mag-aaral ay parang punla
Bawat mag-aaral sy singhalaga
Ng punlang palay
Inaruga, kabalikat ng gabay ng magsasaka.


Pagkat tulad ng punlang palay
Yayabong siya, gigising siya
Upang pawiin ang gutom
Ng matiyagang nag-aruga sa bawat munting punla.


Bawat mag-aaral ay singhalaga ng
punlang palay
Inalagaan at pinagpala
Ipinagtanggol laban sa peste at baha
At, oo, minamahal ng magsasaka.


Patigasin ang kamao’t
Ang ulo ay itaas
Imulat ang iyong mata
At matutong makitulad.


Kaya, kabataan, kumilos ka
Ano pa ang hinihintay?
Magkaisa at magbuklod
Alay sa api’t laban ng ANAKPAWIS.


________________
*Lokasyon: Probinsya ng Quezon
*Pangkat: Gamao, Chastine; Onanad, Lenerwin; Martinez, Kate
*Giya: Kuya Enrique Tejada
*Tagapayo: Atty. Carol Baguilat ng Kagawaran ng Agham Panlipunan

**
MAGBABALIK sa Mayo upang bigyang-daan ang isa sa pinakamahalagang atas.

2 comments:

NIKKI GREGORIO said...

Paghusayan mo kuya yfur! :)

Makikinig kami sa mga kwento pagbalik ninyo.

Ingat!

-nikki

xchastine said...

good luck sa ating lahat! :)