Mulat ka ba? Mulat ka ba?
Saan na nga ba napunta sikhay ng kabataan
Mulat ka ba? Mulat ka ba?
Handa ka bang paglingkuran ang bayan, Iskolar ng Bayan?
Bigyan ng pagkakataon ang sarili
Buksan ang isipan sa kalagaya't huwag magpatali
Sa kinalakhang paligid na binulok ng sistema
Hubugin ang diwang makabaya't makamasa
Ang tunay na kabataan
'Di nagbubulagbulagan
Kilalanin si Oble
Magsilbi sa sambayanan
Mulat ka ba? Mulat ka ba?
Saan na nga ba napunta sikhay ng kabataan?
Mulat ka ba? Mulat ka ba?
Handa ka bang paglingkuran ang bayan, Iskolar ng Bayan?
Lakas ng kabataan, puhunan magpakailanman
Huwag magpabulag sa taglay na karangyaan
Lumubog sa batayan, suriin ang lipunan
Lahat makikinabang, baguhin ang lipunan
Bawat isa ay may ambag, kabataang abante
Progresibo't makabayan, magsilbi sa sambayanan
Mulat ka ba...
Kumilos ka't sagkaan ang kalagayang pinilay ng sistema
Ng sistemang naging imperyo ng kawatan
Mulat ka ba...
Kabataang estudyante, ikaw ang nag-aaral
Mamulat ka't makisangkot
Sa aralan ng bayan,
Mulat ka ba?

________________
*Isang orihinal na komposisyon ni Yfur Fernandez sa musika ni Ienne Eguico. Inawit sa Development Studies Practicum Conference 2009 - DALUYONG: Ang Pakikibaka ng Masa sa Gitna ng Krisis, Hunyo 26, UP CAS Little Theater.
**Inawit din sa isang sampaksaan ukol sa Development Studies bilang Paaralan ng Bayan: Learning from the People; Alumni Conference Room, CAS- UP Manila, hapon ng parehong araw.
4 comments:
Embed the video!! HAHA.
My friend and I liked this song! Nice composition! Can we get a copy of this? :D
Thanks for visiting my blog!:) Feel free to get the lyrics of Sikhay.:D Thank you very much!
Watch the video of Sikhay at
http://www.youtube.com/watch?v=c6-fwsFs960
:)
Post a Comment