ang kapeng papawi sa lamig ng sikmura ng tatay mo;
Ang sabi ni nanay, ipitas mo ako ng upo, siguruhin mong sa gulang ay wasto;
at gugulayan ko ang sardinas na ihahain sa ating "grupo";
Ang sabi ni nanay, angkinin niyo ang tahanan
at mapagkumbaba kong iiwan ang panahanang binansot ng kawayan;
Pagpasensyahan niyo tutoy at darating ang araw -- patitikasin muli
ng bagong tabas na buho ang panahanan;
Ang sabi ni nanay, sasadyain ko na ang bayan,
huwag kayong mabahala,
at ang kapirasong kusing ay ibibili ko ng tinapay,
kasabay ng monggong binalot sa harina, paborito ni bunso -- ngatai't abangan;
Ang sabi ni nanay, nais kong makapag-aral aking mga supling,
kahit katunggali ko ang kanilang amang ang tanging naisin,
ay matutunan ang buhay-saka at ilinya ang tudling;
Ang sabi ni nanay, kumain kayo nang marami't huwag mahihiya,
matutuong kumain ng dahong sa Maynila'y luray na;
matutong makipamuhay sa piling ng masa,
at wasakin ang konseptong mapang-alipusta;
Ang sabi ni nanay, maligo kayo sa sapa, damhin,
ang payak na pamumuhay ng kabundukan,
labhan ang pirasong damit na naputikan, sa malawak na ulanan isalansan;
Ang sabi ni nanay, saan kayo pupunta? Kailan ang alis at bakit kailangan pang,
lumipat nang tutuluyan gayong kumportable na?
Bukas ang pinto ng aming tahanan,
kung gusto niyong bumalik, alam niyo na ang daanan,
kung sakaling nakapinid yaong pintuan,
alam niyo na ang sikutan at kung saan ang lusutan;
Ang sabi ni nanay, akala ko'y palungsod na, ang grupong aking inalagaan?
binusog ng kaalaman mula sa presyuha't tulungan, bumalik man kayo rito'y,
handa pa rin inyong tulugan;
Ang sabi ni nanay, sa aming pagkikita, mag-ingat ka iho, pabalik sa Kamaynilaan, hanggang sa susunod na pagkikita, kailan kaya itatakda?
Sa lahat ng ito'y may hindi sinabi si nanay,
ngunit mas ramdam kaysa kung inusal
nabatid na hindi na kailangang sabihin pa --
ang isang tahimik na tagubilin mula sa kanya.
Hindi niya man sinabi ngunit pinaramdam,
ang pagiging lahat at ang pagiging ina.
ngunit mas ramdam kaysa kung inusal
nabatid na hindi na kailangang sabihin pa --
ang isang tahimik na tagubilin mula sa kanya.
Hindi niya man sinabi ngunit pinaramdam,
ang pagiging lahat at ang pagiging ina.
_____________
*Si Nanay Nenita, kabiyak ni Tatay Efren na naitampok natin, Hunyo 15. Isang inang magsasakang naging manininda sa kalunsuran. Isa sa mga inang nagturo, nag-aruga at kumalinga sa aming pangkat sa nakaraang praktikum. Hindi ko man mapagsama-sama ang larawan, ang mga tagpong nasa itaas ang sumasalamin sa aming pakikimapuhay sa iba't ibang panahana't pamilya, sa piling ng masa.
1 comment:
tumatagos. :)
Post a Comment