_____________________
"Kalaboso ka ngayon,
Mister kinana ang dalagitang anak!"
"Himas rehas ulit si Erap,
Panibagong "deal" bumukol!"
"Jacko Wacko: Namatay o Pinatay?"
Mister kinana ang dalagitang anak!"
"Himas rehas ulit si Erap,
Panibagong "deal" bumukol!"
"Jacko Wacko: Namatay o Pinatay?"
Bulgar. Pilipino Star Ngayon. Bomba. Tiktik.
People's Tonight. Taliba. At Iba Pa.
Dyaryo. Tabloid. Nyuspeyper.
Ang print media ang isa sa pinakamabilis na paraan upang maipahatid sa publiko ang mga balita, lalo't higit kung pag-uusapan ang presyong kayang balikatin ng karaniwang panahanan. Sa mainstream media, hindi nabibigyang-pansin kung ano ang mga ilalahok na artikulo bago ang publikasyon ng mga ito.
Magaspang. Hilaw. Puno ng emosyon.
Magaspang. Hilaw. Puno ng emosyon.
Sa tindi ng kompetisyon sa hanay ng tabloid, naisasantabi ng buong grupo ng tigakalap ng balita (news gathering group) at ng editorial staff ang mga karapat-dapat na mailinya sa ulo ng mga balita. Mapapansin ng karaniwang mambabasa ang malalaking font sizes and styles ng mga tabloid -- lahat ito ay kasama sa pagpapakete ng produktong binubuo ng ilang pahabang newsprint na hinati sa dalawa.
Bukod sa kagila-gilalas na tiklada ng mga letra, ibang istilo rin ang ipinamamalas ng mga tabloid journalist sa pamagat ng kanilang mga artikulo. Ang punto, isang kahanga-hangang tagpo ang gamitin ang ating sariling wika, ngunit hindi ang mga salitang kalye (hind angkop na salita) at mga pariralang binabansot ng konteksto at etika -- halimbawa, umiskor, binrotsa, kinana, bukol, a-putol-ari at iba pang salitang maaring magdulot ng double meaning o di kaya'y kalituhan sa pinatutungkulang mambabasa.
"Punung-puno ng mga litrato, hitik sa mga balitang itriga at showbiz, may balitang pampulitika man ay bubusugin ka ng iba't ibang bahid ng kontrobersiya -- tabloid na tabloid ang dating." -- ganito ang pagturin sa ating tabloid journalism. Sa pagdaan ng panahon, makulay ang naging kasaysayan ng tabloid journalism sa Pilipinas. Maliban sa pagiging mura nito (P8.00 - 10.00 bawat isa - arawang isyu) kumpara sa mga broadsheet, madaling nakaeenganyo ng mamimili ang daluyang ito sapagkat: (1) madaling maunawaan at makaugnay ang publiko dahil sa ginagamit nitong midyum, (2) agresibo ang paglalagay ng mga picture fields at iba pang eye-catching elements sa harapan ng pahayagan (3) nakabubuo ng ilusyong "eskapismo" o pansamantalang pagtakas reyalidad ng buhay sa anggulo ng pagsisiwalat ng buhay ng mga artista, selebriti at pigurang pampubliko -- mula sa karera nito, love triangle, mga pinaretoke at salamat dok, sekswalidad, sex life at ibang tawagin nating "matters of personal interest" -- LAHAT ITO, may layuning kilitiin ang interes ng mga mamimili kapalit ang pagkasalaula ng kaluluwa ng "PAMAMAHAYAG."
Itutuloy.
Itutuloy.
No comments:
Post a Comment