Kung susuriin, bakit ba sinasabing ispesyal ang isang bagay?
Halimbawa sa halu-halo?
Mas mahal ang halu-halo ispesyal sa karaniwan.
Kung sa karaniwan, binubudburan lamang ito ng pinipig at binubuhusan ng minatamis na langka. Ang ispesyal ay may kasamang mas malalaking hiwa ng leche flan at ube na kung minsan pa nga ay pwede pang mamili kung anong flavor ang ipupukol na icecream sa pinakaibabaw.
Kung ang pagtingin natin sa ispesyal ay yaong may dagdag o sa madaling salita ay ‘yung "iba sa karaniwan," ispesyal pa rin ba kung may KULANG? - - "iba pa rin naman ito sa karaniwan," hindi ba?
Sino bang nagsabi na ang ispesyal ay dapat ikulong lang sa ideya ng “higit o may dagdag sa karaniwan”?
Hindi ba’t ispesyal din ang tawag sa “kanila” -- yaong may pagkukulang?
Pero, ano ang turin sa kanila?
2 comments:
noongmalapad likes this. :-bd
You have a good point. Definitions are set by the society. Unfortunately, even with laws protecting the differently-abled people, they are still discriminated in the society. Sometimes, they are objects of ridicule, which is sad.
Post a Comment