Test of English as a Foreign Languange o TOEFL, isang pagsusulit kung saan sinusubok ang ating kakayahan sa pagbabasa, pakikinig, pagsasalita at pagsusulat sa wikang Ingles. Ito ay isang rekisito para sa mga non-native English speakers bago makapag-aral sa mga kolehiyo at pamantasan na gumagamit ng wikang Ingles bilang pangunahing midyum ng pagkatuto.
“In fact, more institutions accept TOEFL test scores than any other test scores in the world — more than 7,000 colleges, universities and licensing agencies in more than 130 countries, to be exact. And, with more than 4,500 test centers worldwide, taking the test is convenient and easy.*"
Test of English as a Foreign Language nga ba o
Test for Eastern countries as Financial Lenders?
Test for Eastern countries as Financial Lenders?
Ang TOEFL ay nakasandig sa regulasyon ng Educational Testing Service o ETS, ang pinakamalaking pribado at umano’y “non-profit organization” sa daigdig na naglulunsad ng pandaigdigang pamantayan ng pagsusulit o anumang uri ng pagtatatasa kabilang ang TOEFL. Sa kabila ng pagiging non-profit organization, lumalabas na kalahok ito sa kompetisyong komersyo bilang isang “malaking negosyo” na halos kapareho na ng katangian ng mga monopolistang multi-nasyunal -- pagkakamal ng labis na kita mula sa pagpapataw ng mataas na singil sa mga inihahaing pagsusulit tulad ng TOEFL. Sapagkat hindi kailang maraming tiga-Silangan ang nag-aasam na makaapak sa Kanluran, nabibigyang katwiran ang pag-iral ng TOEFL bilang pasaporte sa pagpasok sa mga institusyong pang-akademiko kung saan maaring magamit ang aktwal na galing at potensyal ng mga non-native English speakers tulad ng mga Asyano.
Para sa mga makabayan, kabisado na ang layunin at taktika ng mga tiga-Kanluran! Isang malinaw na pagtatangka na muling isulong ang “wika ng makapangyarihan” sa malawakang antas. Sukdulan itong iturin bilang isang direktang porma ng neokolonyalismo, lalo’t higit na ang pokus nito ay ang paghila sa mga kabataang nais mag-aral sa Kanluran, at turuan ng oryentasyong Kanluranin – oryentasyong maaring maging mapanganib sa sariling kulturang pinagluwalan ng mag-aaral. Ngunit para sa mga isinilang sa kulturang pop, ang TOEFL ay isang hakbang o susi upang makaahon sa kasalukuyang pang-ekonomikong kondisyon at makatakas sa mga suliraning binalikat nila sa pagdaan ng panahon. Ika nga, isang paraan upang makamit ang inaasam na american dream. Sabi nga sa paalala ng tanyag na manunulat at social realist na si Lualhati Bautista, “Hindi langit ang Amerika.”
Internet-based TOEFL:
Internet-based TOEFL:
http://www.ets.org/ [ETS: Go Anywhere From Here]
http://www.abroadeducation.com.np/ [ABROAD EDUCATION: Study Abroad Guide]
No comments:
Post a Comment