Mukha ng kahirapan sa kalunsuran. Maliban sa tipikal na senaryo ng kasalatan kundi man kawalan ng pagkain (food poverty) at paraan upang maging abot-kamay ang mga ito.
- Mga gusaling tumpok tumpok, establisamyento at iba pa -- katambal ang napakaraming underpaid, overworked, exploited.
- Mga informal settler (iskwater). Putikang damit. Anak dalita. Pagpag. Urban poor.
- Mga bakanteng loteng ginagwardyahan ng barb wires at bato kung saan ang tanging naninirahan ay hindi tao ngunit malulusog at matataas na damo't talahib. Isama pa ang lahat ng elementong bumabansot sa lupa.
- Maruming kalsada. Polusyon. Bulnerableng kalusugan. Mga maralitang may dalang lata, gitara, shades, sumbalilo at saklay. Gula-gulanit na kasuotan. Taong-grasa.
- Pinipilahang emergency rooms. Atrasadong kondisyon ng mga pampublikong ospital at iba pang institusyon ng panlipunang serbisyo kabilang na ang human resource ng mga ito.
- Pinipilahang lotto outlets at pagsali sa game shows.
- Sementeryong hindi lang mga bangkay ang naninirahan.
Karagdagan?
___________________________________________________________

No comments:
Post a Comment