Kumperensya para sa Praktikum 2009 ng Pag-aaral Pangkaunlaran, abala ang bawat pangkat sa paghahanda ng mga larawang pang-eksibit, AVP para sa programa kasabay ng pag-aasikaso sa mga natokahang komite. Nang naipaskil na sa kahabaan ang mga larawan, napuna ito ng isang security guard ng Pamantasan. Itinatampok dito ang mga larawan na may layuning mapagpakumbabang bigyang-buhay ang mga karanasan ng mga praktikumer sa mga nilubugang kumunidad.
Napansin ni Kuya Guard ang isang hilera ng larawan ng mga katutubo/pambansang minorya mula sa pangkat na nakipamuhay sa Mindoro. Iniuugnay niya ang diskurso sa usapin ng wage increase sa ganitong paraan (hindi eksaktong linya):
"Alam mo hindi rin solusyon ang wage increase e dahil kung titingnan mo, ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa ay nangangahulugan lang naman ng muling pagtataas ng mga dati nang mataas na presyo ng bilihin o produkto. Siyempre, paraan 'yan ng gobyerno para makabawe."
"Pero, kung titingnan mo, at least tayong mga nandito, parang quits lang. Kase 'pag tumaas ang sahod namin, tataas ang bilihin. Ibig sabihin, 'pag may pagbabago sa mga presyo ng produkto, makakaangkop pa rin dahil may pagbabago sa sahod. Parang pareho pa rin. E, sila?"
"Sa bansa natin, may mga taong hindi kayang sumabay sa pagtaas ng bilihin. Kung ano sila ngayon, nanatiling lugmok sa hirap. Sa atin sa Maynila, may pagbabago nga. Nakakaadjust kahit papaano, pero sa kanila? Wala.
"Tataas ang sahod namin, tataas ang presyo ng bilihin.
Sa kanila, mahirap ka 'pag mahirap ka.
Sa kanila, mahirap ka 'pag mahirap ka.
Patuloy na tataas ang presyo ng mga bilihin habang walang kahit katiting na pagbabago sa kalagayan nila."
"Sa huli, patuloy lang silang naghihirap."
(Sabay turo sa larawan ng mga katutubong Alangan Mangyan)
"Hindi lang dapat taasan ang sahod, ang kailangang pag-ukulan ng pansin ay 'yang mga benepisyo -- health benefits at iba pa."
[Angkop na angkop nga ang aming tema,
Daluyong: Ang Pakikibaka ng Masa sa Gitna ng Krisis.]
______________
*Larawan mula sa Mindoro practicumers. Kiriwi. 2009.
*Kredito: Bb. Frances Politud sa muling pagpapaalala.
No comments:
Post a Comment