Corporate-driven. Elite-controlled. Celebrity-centered.
Secrecy over transparency. False information-rich society.
Defamation. Libel. Sensationalized. Envelopmental.
Who, What, Where, When, Why, How, How Much?
Magaspang. Hilaw. Malasado. Bastardized, sabi ng ilan.
Mainstream Journalism.
Sa kahit anong uri ng daluyan – telebisyon, radyo, pahayagan/print at internet, hayagan nang mababatid ang mga katangian ng mainstream media. Sa kabila ng lahat nito, nagagawa pa ring tanggapin ng karaniwang Pilipino bilang isang bagay na pumaloob sa isang “baluktot” na ebolusyon.
Sa pagpapakete nito: isang organisasyong walang kahit anong bahid ng kasinungalingan at pawang pumapanig lamang umano sa balitaang sabay sa pulso ng masa. Walang kasinungalingan. Walang pinoprotektahan. Serbisyong totoo lamang. Panig sa katotohanan. Panig sa Bayan.
May kontradiksyon sa pagturin sa balita (news treatment). Kung tunay ngang nakakiling sa masa: may puwang ba o naitatampok ba ang sari-saring isyu o istorya ng ating kanayunan (countryside) kung saan kabilang ang mga magsasaka, mangingisda at pambansang minorya? Epektibo bang naipalalaganap ng mainstream media ang mga pangunahing isyu ng ating lipunan, halimbawa ay ang paglarga ng tunay na repormang agraryo? Nagiging puro ladlad ng islogan ngunit aristokrasya pala ang tunay na kahulugan.
May direktang alternatibo. Ngunit, katulad ng iba pang nagsusulong ng tamang oryentasyon at hakbang tungo sa panlipunang pagbabago – ang alternatibong ito ay sikil sa kalayaang magpahayag, magpaunawa at magpadaloy ng mga istorya, balita o impormasyong makapag-aambag sa panlipunang kamulatan at pampulitikang edukasyon. Gipit at patuloy na nilalamon ng higanteng mainstream.
May direktang alternatibo -- pinanday ng panlipunang katwiran, mapagpalaya at responsableng pamamahayag.
May direktang alternatibo -- magbibigay ng kondisyong angkop upang maisagawa ng mamamayang Pilipino ang mahalagang gampanin nito bilang “mamamayang mapangmatyag, mapanuri, mulat at kritiko.”
May direktang alternatibo, kung saan ang kabiguan ng mainstream ay iwawasto at ang tunay na interes ng pinatutungkulan at pinagsisilbihang masa ang isusulong. Alternatibo sa nanaig bilang tunay na behikulo ng impormasyon.
Puwang para sa batayang sektor. Oppressed and marginalized.
Hindi lamang facts-based, may gabay ng tamang linya.
Developmental. Mapagpalaya. Responsable.
Inuunawa, hindi lamang ipinaliliwanag.
Alternatibong Pamamahayag.
No comments:
Post a Comment